Saturday , February 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Terror tag ibinasura ng CPP-NPA

Terror tag ibinasura ng CPP-NPA

IBINASURA ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang Proclamation 374 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, nagdedeklarang terrorist organizations ang CPP at New People’s Army (NPA).

Sa kalatas ng CPP, nakasaad na kung ang basehan ni Duterte sa pagdeklara sa kanila bilang terror organization ay batay sa klasipikasyon ng US sa partido at NPA bilang foreign terrorist organizations, binuksan na ng Pangulo ang pinto para sa mas malakas na US military intervention sa buong bansa.

“This declaration conveniently places his regime, particularly his main fascist machinery—the AFP—as a strong contender for increased military aid and weaponry under the US bloated budget for its “global war on terror,” anang CPP.

Ang Proclamation 374 ni Duterte ay puwedeng gamitin laban sa mga tao o organisasyon para bansagan silang umaayuda sa CPP-NPA, gaya ng mga legal mass movement upang makapaglunsad ng crackdown.

“Duterte will also be able to shakedown or extort from corporations and businesses by simply associating them with the NPA. He has already done so by threatening mining companies which he accuses of “aiding” the NPA by paying revolutionary taxes,” ayon sa CPP statement.

Kaugnay nito, kinansela ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang localized peace negotiation sa NPA at pinalitan ang Davao City Peace Committee, na nagsusulong ng peace talks sa mga rebelde, ng Davao City Advisory Committee for Peace and Development (DC PEACE Dev).

Trabaho ng DC PEACE Dev na alamin ang mga problema ng mga residente sa mga komunidad sa mga liblib na lugar sa Davao City.

Ipinauubaya na ng alkalde ang NPA sa militar.

ni ROSE NOVENARIO

ARESTO SA MAG-ASAWANG
TIAMZONS AT KAY SILVA
TINATRABAHO NG DOJ

TINATRABAHO na ng Department of Justice ang muling pag-aresto at kanselasyon sa piyansa ng mga lider komunista na sina Benito at Wilma Tiamzon, at Adelberto Silva kasunod ng pagtigil sa usapang pangkayapaan ng mga rebelde at gobyerno.

Magugunitang pinalaya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rebel leaders na sina Tiamzons nitong nakaraang taon at muling sinimulan ang usapang pangkapayapaan.

Gayonman, bunsod ng mga serye ng pag-atake ng rebeldeng komunista laban sa mga sundalo at pulis, ipinatigil ng punong ehekutibo ang negosasyon.

Nitong Martes, idineklara ang Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA) bilang terrorist organisations bunsod ng umano’y continued violent acts.

Dahil dito, “there is no more legal ground for the continuous provisional liberty” ng mga Tiamzon at ni Silva, pahayag ng DoJ sa motion for re-commitment and cancellation of bail na inihain sa Manila Court, na naunang nagpahintulot na makapaghain ng piyansa ang rebel leaders.

Ang mga Tiamzon, si Satur Ocampo, at iba pang mga akusado ay nahaharap sa multiple murder charges bunsod ng umano’y brutal na pagpatay sa 15 sibilyan, na nadiskobre sa mass grave noong 2006 sa Inopacan, Leyte.

Inaresto ng mga sundalo ang mga Tiamzon at limang iba pa noong 2014.

Si Benito Tiamzon, tinukoy bilang chairman ng CPP-NPA habang ang kanyang misis ay secretary-general ng grupo.

Si Silva, inaresto sa kanyang bahay sa Bacoor City noong 2015,  ay kinilala bilang CPP secretary general at concurrent chief ng National Organization Department.

Sa ideolohiyang
walang
patutunguhan

BUHAY NG ‘TIBAK’
SAYANG — DUTERTE

HINDI kailanman magiging handa ang Filipinas sa kahit sa simpleng uri ng sosyalismo kaya sayang ang mga kabataan na nagbubuwis ng buhay para sa ideolohiyang walang patutunguhan.

“Itong mga bata nagpakamatay for the belief, for the ideals, for the ideology na wala naman talagang ma-contribute. It’s too late in the day to introduce even a simple form of socialism. The Filipinos will never be ready for it,” ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa Food Festival sa Clark sa Pampanga kahapon.

Sinabi ng Pangulo, ang mga bagong recruit ng mga rebelde ay ginagamit sa pangingikil para sustentohan ang miyembro ng central committee ng Communist Party of the Philippines (CPP) na nasa The Netherlands, gaya ni founding chairman Jose Ma. Sison.

“Iyan lang naman ang nag-enjoy. Naawa ako rito sa mga pisante pati ‘yung mga estudyante na…dumaan rin ako e. E sabi ko nga nila kaibigan ko ‘yan si Sison. I used to listen to him,” anang Pangulo.

Si Sison ay naging propesor ni Duterte sa Lyceum of the Philippines noong dekada ’60.

Inamin ng Pangulo na napuno na siya sa pakikipag-usap sa mga komunista nang tinambangan ng mga rebeldeng NPA ang mga pulis na may kasamang apat- buwan gulang na sanggol kamakailan.

Nilagdaan kamakalawa ni Duterte ang Proclamation 374 na nagdeklara sa CPP-NPA bilang mga teroristang grupo.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved