Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / At last, Sandra Cam pasok na sa Duterte admin
At last, Sandra Cam pasok na sa Duterte admin

At last, Sandra Cam pasok na sa Duterte admin

GAANO man kahaba at kabagal ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy.

Kaya huwag magtaka kung bakit ngayon lang nakapasok si Manay Sandra Cam sa Duterte administration.

Yes!

Si Manay Sandra ang bagong board member ng Philippine Charity and Sweepstakes Office (PCSO).

Sus, kung nakita lang ninyo kung paano sumuporta si Manay Sandra kay Tatay Digong noong panahon ng eleksiyon kahit na siya ay kandidatong senadora.

READ MORE:  Mayor Fred Lim sa survey pa lang panalong-panalo na

Hindi lang suportang sigaw-sigaw o abot-abot ng leaflets, pinupunas pa ang pawis.

Buti na lang malakas-lakas pa ang tuhod ni Manay Sandra kaya naman naipakita niya ang kanyang todo-todong suporta.

Magagamit nang husto ni Manay Sandra ang kanyang kaalaman sa paglaban sa matitigas ang ulong jueteng lords na pinasasakit ang ulo ni GM Alexander Balutan.

READ MORE:  Sino-sino ang mga double agent sa BI?!

Hindi pa natin nalilimutan nang mag-whistleblower si Manay Sandra na nagsangkot sa magtiyo na sina Mikey at Iggy Arroyo (RIP) sa jueteng.

Ibig sabihin, kapado ni Manay Sandra ang operasyon ng mga jueteng lord kaya tiyak na makatutulong siya kay GM Balutan.

READ MORE:  Big one is coming, maghanda at maging ligtas

Abangan natin ang napipintong bakbakan ng PCSO at jueteng lords na ginagamit na prente ang Small Town Lottery (STL).

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved