Wednesday , December 13 2017
Breaking News
You are here: Home / News / Misis pinatay ni mister saka nagbigti
Misis pinatay ni mister saka nagbigti

Misis pinatay ni mister saka nagbigti

NAGBIGTI ang isang lalaki makaran patayin ang kanyang misis dahil sa selos sa Cagayan de Oro City, kamakalawa.

Ayon sa ulat, laking gulat umano ng anak na lalaki ng mag-asawa nang makita ang kanyang ama na si Salvador Sunot habang nakabigti sa loob ng kanilang bahay.

Sa hindi kalayuan sa kanilang bahay, nakita naman niya ang kaniyang ina na si Lucia na duguan at may sugat sa dibdib.

Sa paunang imbestigasyon, posible umanong nagtalo ang dalawa dahil sa selos na humantong sa pananaksak ni Salvador sa kanyang misis bago siya magbigti.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com