Wednesday , December 13 2017
Breaking News
You are here: Home / News / Bebot may sakit sa puso ginahasa, waiter arestado
Bebot may sakit sa puso ginahasa, waiter arestado

Bebot may sakit sa puso ginahasa, waiter arestado

ARESTADO ang isang waiter makaraan gahasain ang isang 19-anyos babaeng may sakit sa puso sa silid ng biktima sa Sta. Maria, Bulacan, kamakalawa.

Batay sa reklamo ng biktima, natutulog siya nang pasukin sa kanyang silid ng suspek na si Winifredo Napal, 20-anyos.

Ayon sa imbestigasyon ng Sta. Maria police, sinasabing kukunin ng suspek ang cellphone na hiniram ng biktima ngunit bigla siyang hinubaran at ginahasa.

Ayon sa biktima, hindi siya nakapalag dahil nagsikip ang kanyang dibdib bukod sa nanaig ang lakas ng suspek.

Inamin ng suspek ang krimen at sinabing lasing siya kaya niya  nagawa iyon sa biktima.

Ang suspek ay nakapiit sa Sta. Maria Police Station at nahaharap sa kasong rape.

 (MICKA BAUTISTA)

COMMENTS

About Micka Bautista

Scroll To Top

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com