Wednesday , December 13 2017
Breaking News
You are here: Home / News / 1 patay, 200 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Davao
1 patay, 200 pamilya  nawalan ng bahay  sa sunog sa Davao

1 patay, 200 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Davao

ISA katao ang patay habang 200 pamilya ang nawalan ng bahay sa naganap na sunog sa Pag-Asa, Brgy. 5A Bankerohan, Davao City, nitong Miyerkoles ng umaga.

Sa ulat, nahirapan ang mga bombero na makapasok sa lugar dahil masikip ang kalsada  na nagresulta sa pagka-tupok ng 100 bahay sa Purok 6A at 6B ng nabanggit na barangay.

Umabot ang sunog sa task force alpha dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy sa kabahayan na pawang yari sa light materials. Nagresponde rin ang iba pang pamatay-sunog sa kalapit na fire stations.

Sinabi ni District Fire Marshall Fire Supt. Honey Fritz Alagano, hindi pa madetermina ang posib-leng sanhi ng sunog. Hindi pa nakukuha ang pagkakakilanlan ng isang residenteng iniulat na namatay sa insidente.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com