Wednesday , December 13 2017
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sumpang tinta, lumabas na kay Daniel
Sumpang tinta,  lumabas na  kay Daniel

Sumpang tinta, lumabas na kay Daniel

SA umereng kuwento ng La Luna Sangre nitong Martes ay lumabas na ang pagiging Lobo ni Malia (Kathryn Bernardo) at nakasagupa na si Sandrino/Supremo (Richard Gutierrez).

Nagawang iligtas ni Malia si Tristan (Daniel Padilla) sa pagkakakulong nito sa ataul at dito na lumabas ang sumpang tintang katulad ng kay Sandrino bagay na ikinataka ng huli kung ano ang pagkatao ng binata.

Kanya-kanyang hula naman ang sumusubaybay ng La Luna Sangre na posibleng anak ni Sandrino si Tristan dahil kinakantahan nito ng lullaby noong ipinagbubuntis palang siya ng kanyang ina na kinagat ng bampira kaya posibleng bampira rin ang dinadala nito.

Pero may nagsabing baka kapatid naman ni Sandrino si Tristan kaya abangan ang unlock episode ng LLS sa mga susunod na araw.

Kaya nalito siya kung ano niya ang lalaking iniligtas ng bagong Itinakda?

Ito rin ang tanong ng televiewers ng La Luna Sangre kung ano ni Sandrino (Richard) si Tristan (Daniel), anak o kapatid?

FACT SHET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com