Wednesday , December 13 2017
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Halikan nina John Lloyd at Ellen, kumalat sa social media
Halikan nina John Lloyd at Ellen, kumalat sa social media

Halikan nina John Lloyd at Ellen, kumalat sa social media

USAP-USAPAN ang intimate kissing photo nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Ipinost iyon ng isang @ellen_johnlloyd sa Instagram.

Anang IG account na @ellen_johnlloyd, kuha ang picture na iyon sa Bantayalan Island getaway ng dalawa noong Setyembre.

Soul meets soul on lovers’ lips. TBS…sweet moment during bantayan island vacation,” ayon sa caption.

Sinasabi rin sa IG post na naka-post iyon sa Facebook account ni Maria Elena Adarna at nang buksan namin, naroon nga ang retrato na ipinost noong November 22.

Sa picture, tila nagluluto si Ellen nang biglang halikan siya ni John Lloyd.

KRIS,
LOKONG-LOKO
SA BTS

GRABE naman pala ang kasikatan nitong K-Pop boy band na BTS. No wonder pati si Kris Aquino ay lokong-loko sa mga ito.

Napansin ni Kris ang BTS nang mag-perform ang grupo sa katatapos na 2017 American Music Awards na ginanap sa Microsoft Theater sa Los Angeles, California.

Hindi lang ang magaling na performance ng Korean boy band na ki-nabibilangan nina Jungkook, Jimin, V, Suga, Jin, J-Hope, at RM ang napansin ng bagong reyna ng social media, aba’y gustong-gusto rin niya ang OOTD ng mga ito.

Ang tinutukoy ni Kris ay ang pinagkakaguluhan din ng fans ng BTS, ang kanilang suot na Gucci na nagkakahalaga ng $550 to $7580 o P27,000 hanggang P380,000.

Sinabi pa ni Kris na pinanood din niya ang mga ito sa Ellen at Jimmy Kimmel at bumili rin ng album sa iTunes.

Hindi man siya nanonood ng Koreanovela o interesado sa K-Pop, hindi niya itinagong mahal na niya at gusting-gusto niya ang BTS.

Aniya sa kanyang IG: ”Am i too old to join the @bts.bighitofficial #btsarmy? I was late in discovering them, honestly i got interested after their AMA awards performance because of their GUCCI outfits.

“Then i watched them in Ellen & Jimmy Kimmel on @youtube and i bought their album on iTunes.

“I’ve never really watched Koreanovelas, nor have i been interested in K-Pop (actually i’m really a Taylor, Demi, Selena, and though she’s not of their age bracket Kelly Clarkson fan- so basically i really love the girls) BUT i now love #BTS, repeat mode now #BESTOFME!”

Nagtanong pa si Kris kung saan magkakaroon ng performance ang BTS dahil lilipad siya para panoorin ang mga iyon. ”How can i not love them? Proud member #btsarmy (question when will they perform in Tokyo, Bangkok, or Singapore? I’ll FLY to watch them),” aniya.

Samantala, patuloy pa rin ang 12 gifts of Christmas ni Kris na paraan niya ng pagpapasalamat sa mga patuloy na sumusuporta sa kanya.

At ang latest na regalo niya ay ang Nespresso na paboritong kasa-kasama ng bagong Endorsement Queen sa kanyang mga lakad-lakad.

“I had the Nespresso Pixie (sorry to make inggit but mine is neon yellow/chartreuse) & i now have Aeroccino 4 (the milk frother, but i use the super low froth setting & primarily use it for heating) in my room. I LOVE BOTH! I want to share #myNespressomoment with all of you- so as part of my#Christmaslovelovelove sharing & gift giving we’ll be choosing 1 of you to receive exactly what i have (but yours will be red in the spirit of þ&)… I think by now you know what to do, like my post to register & tag me & my KCAP team will be stalking your accounts. þ”

ALDEN, AMBASSADOR
NG MASARAP
NA PEANUT BUTTER

MALUGOD na sinalubong ng Cookie’s Peanut Butter Company si Alden Richards sa lumalaki nitong pamilya bilang kauna-unahang brand ambassador.

Ang Cookie’s Peanut Butter ay isang homemade na brand na gawa sa  all natural ingredients.

Ilan sa mga masasarap nitong variants ang flagship products nito gaya ng Cookie’s Peanut Butter, Cookie’s Cashew Butter, at Cookie’s Peanut Butter Pangluto at pati na rin ang Mani Ni Cookie at Kasuy Ni Cookie.

Nasa larawan sina Cookie Yatco, Presidente ng Cookie’s Peanut Butter Company; Alden; at Joy Abalos-Yatco, Managing Director, Cookie’s Peanut Butter Company.

Mabibili ang Cookie’s Peanut Butter sa lahat ng leading supermarkets sa buong bansa.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com