Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / “Shoot NPA!” order ni Digong legal (Roque nanindigan)
“Shoot NPA!” order  ni Digong legal (Roque nanindigan)

“Shoot NPA!” order ni Digong legal (Roque nanindigan)

LEGAL ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga awtoridad na barilin ang mga armadong rebeldeng New People’s Army (NPA), ayon sa Palasyo.

Paliwanag ni Presidential spokesman Harry Roque, ipinagbabawal  sa batas ang pagdadala ng ‘di-lisensiyadong armas.

“Of course (he is within bounds), because anyone who bears arms is guilty of rebellion. The crime of rebellion is the crime of taking up arms against the government,” ani Roque kahapon.

READ MORE:  VIP treatment sa Reyes bros imbestigahan – Palasyo (Utos sa DoJ, DILG)

“So natural, so when you are bearing arms against the government you are engaged in crime, you are supposed to implement the law and yes, the President has that power to implement the law. It is a domestic, not an international armed conflict, and an arms-bearing rebel is a proper military target,” aniya.

READ MORE:  Fetus iniwan sa flasher ng toilet bowl sa ospital

Noong Miyerkoles, sinabi ng Pangulo na dapat barilin agad ng tropa ng pamahalaan ang makikitang armadong rebeldeng komunista, huwag intindihin ang human rights advocates.

Katuwiran ng Pangulo, binabaril din naman ng miyembro ng NPA ang pulis o sundalo.

READ MORE:  Ininsultong bingot bunso pinatay ni kuya

Ano mang araw ay lalagdaan na ni Pangulong Duterte ang isang executive order na magdedeklara sa CPP-NPA-NDF bilang terrorist organization.

Nauna nang pinirmahan ni Duterte ang Proclamation 360 na nagtuldok sa peace talks ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.

(ROSE NOVENARIO)

 

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved