Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 8 arestado sa illegal gambling sa Navotas
8 arestado sa illegal gambling sa Navotas

8 arestado sa illegal gambling sa Navotas

SA pamamagitan ng “text sumbungan” para kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco, walo katao ang inaresto ng mga tauhan ng Navotas City Police makaraan salakayin ang isang ilegal na pasugalan na matagal nang nag-o-operate at hindi nagagalaw ng mga opisyal ng barangay, kamakalawa ng hapon.

READ MORE:  Alcala umastang sanggano ( Gumawa ng eksena sa programa ni Tunying )

Kabilang sa mga dinakip sina Noel Vidallo, 54; Froilan Dela Paz, 47; Efren Dela Cruz, 51; Rochie Alfaro, 38; Efegenia Gauion, 54; Nida Biling, 42; Jennifer Fabian, 27, at Princess Joy Castor, 31, pawang naninirahan sa Kapitbahayan Street, Brgy. North Bay Boulevard South, ng naturang lungsod.

READ MORE:  Mag-utol na tulak tiklo sa 55 gramo ng shabu

Habang nakatakas ang isang Belen Nautan sa nasabing operasyon.

Sa ulat ng pulisya, dakong 2:15 pm nang salakayin ng mga tauhan ng Special Operations Unit ang pasugalan sa F-14 Kapitbahayan Street, Brgy. NBBS, base sa sumbong ng isang concerned citizen sa TXT JRT (John Rey Tiangco).

READ MORE:  Kaanak ni Dionix utas sa adik

(JUN DAVID)

COMMENTS

About Jun David

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved