Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Isabel Lopez binawian ng driver’s license ng LTO
Isabel Lopez binawian  ng driver’s license ng LTO

Isabel Lopez binawian ng driver’s license ng LTO

TULUYANG kinansela ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng dating beauty queen at aktres na si Maria Isabel Lopez dahil sa paglabag sa traffic and security protocols nang pumasok siya sa ASEAN lane noong nakaraang buwan.

Ayon sa ulat, maaa-ring kumuha ng panibagong lisensiya sa LTO si Lopez pagkaraan ng dalawang taon.

Pinagmumulta rin siya ng P8,000 para sa nagawang tatlong traffic violations.

Binawian ng lisensiya ang aktres dahil sa kasong disregarding traffic signs, reckless driving at paglabag sa Anti-Distracted Driving Act.

Magugunitang nag-viral ang video ni Lopez sa social media nang alisin niya ang harang at dumaan sa ASEAN lane na nakalaan sa mga delegado sa nakaraang ASEAN Summit and Related Meetings.

Una rito, idinahilan ni Isabel na hindi niya nais labagin ang batas ngunit naiihi na umano siya kaya niya nagawang pumasok sa ASEAN lane.

(JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved