Categories: News

Seal of Good Local Governance nakamit ng Navotas

MAKARAAN makakuha ng unqualified opinion, ang pinakamataas na marka mula sa Commission on Audit, nakamit ng Navotas ang 2017 Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Isa ang Navotas sa walong siyudad sa kalakhang Maynila ang nabigyan ng SGLG.

“Lubos kaming nagpapasalamat na nakatanggap kami ng pinakamataas na parangal na binibigay ng DILG sa mga LGU. Isa lamang itong pagpapatunay na nasa tamang landas kami sa usapin ng serbisyo publiko,” ani Mayor John Rey Tiangco.

Pinasalamatan din niya ang lahat ng mga tumulong para makamit ang nasabing parangal. Nagpaalala siya na dapat patuloy lamang ang pagbibigay ng taus-pusong serbisyo sa mga Na­voteño.

“Ipinapaabot ko ang aking pasasalamat sa aming Sanggunian, mga department heads, mga kawani ng city hall, at iba pang mga opisyal. Dahil sa kanilang pagpupursige na sundin ang best practices sa pamamahala at paglilingkod sa mama­ma­yan kaya namin nakamit ang ganitong tagumpay.”

Pinasalamatan din niya ang mga residente sa patuloy nilang pagsuporta sa administrasyon ni Tiangco.

“Marami na tayong natupad, pero marami pa rin tayong dapat gawin. Nararapat lang na ialay sa mga Navoteño ang epektibo, tapat, at mapagkakatiwalaang pamahalaan na nagbibigay-prayoridad sa kanilang mga pangangailangan at mga pangarap sa buhay,” dagdag pa niya.

Sa pamamagitan ng SGLG, kinikilala ng pambansang pamahalaan ang mga LGU na nagpapakita ng mahusay na pamamahala.

Sa taong ito, kailangang ipasa ng SGLG awardees ang mas mahirap na pagtatasa ng DILG gamit ang 4+1 principle.

Para makatanggap ng award, kailangang ipasa ng isang LGU ang lahat ng core assessment areas tulad ng Financial Administration, Disaster Preparedness, Social Protection, at Peace and Order.

Kailangan ding matugunan ng isang LGU ang kahit isa sa mga essential assessment areas tulad ng Environmental Management, Business-Friendliness and Competitiveness, at Tourism, Culture and the Arts.

(JUN DAVID)

COMMENTS
Jun David

Share
Published by
Jun David

Recent Posts

Derrick, tinablan sa sobrang wild ng love scene nila ni Sanya

TINANGGAL nina Derrick Monasterio at Sanya Lopez ang kanilang wholesome image para sa mga love scene na ginawa nila sa…

4 hours ago

Vision nina Santos at Ricio, nagkaisa sa pagsasapelikula ng Para Sa Broken Hearted

NANINIWALA si Marcelo Santos III na “perfect ang casting” ng nobela niyang isinapelikula, ang Para Sa Broken Hearted handog ng…

4 hours ago

#YATO, a gift from God — Lance

“SOBRANG bait ng kapatid kong ‘yan. Puwede nga ‘yang magpari.” Ito ang tinuran ni Rannie Raymundo nang makausap namin siya…

4 hours ago

i-ACT bakit ayaw pumunta sa Lawton?

INILUNSAD ang Inter-Agency Council on Traffic (i-ACT) upang pag­sumbungan ng mga motorista o ng mga mamamayan ng mga isyung nakaaapekto…

4 hours ago

i-ACT bakit ayaw pumunta sa Lawton?

INILUNSAD ang Inter-Agency Council on Traffic (i-ACT) upang pag­sumbungan ng mga motorista o ng mga mamamayan ng mga isyung nakaaapekto…

5 hours ago

Krystall products tunay na sagot sa pangangailangan ng pamilya

Dear Sis Fely Guy Ong, Ito po ang patotoo ko sa paggamit ko ng Krystall Herbal Products: Ang pagbaba ng…

5 hours ago