Saturday , April 20 2024
Sipat Mat Vicencio

Iginuhit ng tadhana

NITONG nakaraang Sabado, 25 Nobyembre 2017, tuluyang pinag-isang dibdib ang dalawang nagmamahalang nilalang sa katauhan nina Michael Ferdinand “Mouse” Marcos Manotoc at Carina Amelia “Cara” Gamboa Manglapus sa San Agustin Church, Paoay, Ilocos Norte.

Tunay na may kakaibang bertud ang pag-ibig dahil si Mouse ay apo ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at si Cara naman ay apo ni dating Senador Raul Manglapus. Sabi nga, napaghihilom ang anumang galit kapag sumisibol ang pag-ibig sa dalawang nagmamahalan.

Kung matatandaan, noong 1970s naging mortal na magkaaway sa politika sina Marcos at Manglapus. At dahil sa tindi ng bangayan ng oposisyon at administrasyon, tuluyang na-exile si Mangalpus sa Estados Unidos.

Kaya nga, masasabing naghilom na ang galit ng dalawang pamilya. Tuluyang nagkasundo ang Marcos at Manglapus dahil sa pag-iisang dibdib nina Mouse at Cara, at dahil na rin sa kanilang naging bungang supling na si Mia.

Si Cara ay 32-anyos, isang singer-songwriter at dating correspondent ng The Japan Times. Samantala si Mouse, 32-anyos ay isang abogado at anak ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

Isinunod ang kasal sa tradisyong Ilokano na mayroong “binatbatan” na nagpakita ng inabel weaving na isa sa mga heritage craft ng mga taga-Ilocos. Isa rin sa ginawa sa kasal ang panagmano, na ang principal sponsors at ibang natatanging panauhin ay magbibigay ng regalo sa mag-asawa.

Isinagawa ang pabitor, sayaw ng mag-asawa, at ang pagpapakita ng sayaw ng Ilocano culture na tinatawag na tadek o sayaw ng panliligaw na kalimitang ginagawa ng mga Tingguians, Yapayao, at Isneg.

Ang patupak, isang tradisyon ng mga Ilokano ay isinagawa rin sa pamamagitan ng pag-inom ng nakalalasing na basi at bugnay. Nakagawian na ang lahat ng titikim ng basi at bugnay ay kinakailangang magbigay ng pera at ang lahat ng malilikom ay magiging panimula ng bagong mag-asawa.

Pero ipinasiya nina Mouse at Cara na ang lahat ng malilikom na pera sa kanilang kasal ay kanilang ibibigay para sa rehabilitasyon ng Marawi City. Ito ay tulong ng bagong kasal sa mga pamilya na biktima ng giyera sa Marawi.

Masayang-masaya si Imee sa pag-iisang dibdib nina Mouse at Cara. Ang sabi nga ni Imee, labs na labs nila ang isa’t isa.  Umaasa si Imee na madaragdagan pa ang kanyang apo sa mga araw na darating.

Kung titingnan, ang pagmamahalan nina Mouse at Cara ay parang kasal nina Ferdie at Imelda, at maihahambing sa kanilang naging pelikulang “Iginuhit ng Tadhana.”

About Mat Vicencio

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *