Saturday , February 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Ampon na bebot bangkay na natagpuan sa Quezon (Apat buwan nawala)
Ampon na bebot bangkay  na natagpuan sa Quezon (Apat buwan nawala)

Ampon na bebot bangkay na natagpuan sa Quezon (Apat buwan nawala)

LUCENA, Quezon – Makaraan ang apat buwan pagkawala, nahu­kay ang bangkay ng isang babae sa tabing-dagat ng lungsod na ito, nitong Biyernes ng gabi.

Nitong Hulyo pa hinahanap ang biktimang si Clariza Ong, 31, ng kaniyang ina na si Evelyn Mercado.

Ani Mercado, kahit ipinaampon niya sa isang mayamang pamilya si Ong noong bata pa ang biktima, may komunikasyon sila kaya nagtaka siya nang hindi na tumatawag o nagte-text sa kanya.

Nitong Biyernes, lumapit kay Mercado ang isang taong nakakita umano sa pagbaon sa katawan ni Ong sa Brgy. Dalahican.

Sa puntong ito, nagpasya ang ginang na idulog ang impormasyon sa pulisya, dahilan para matagpuan doon ang naaagnas nang bangkay ng biktima.

Positibong kinilala ni Mercado ang biktima batay sa tattoo sa katawan at sa suot na damit.

Iniimbestigahan ng pulisya ang posibleng sanhi ng pagkamatay ni Ong.

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved