Thursday , April 25 2024
MRT

Walang sisihan sa huli

KABI-KABILA ang mga debate kung dapat nga bang suspendihin ang operasyon ng MRT ngayon kahit walang pal-­    ya ang mga aberya nito na naglalagay sa panganib ng mahigit 600,000 pasahero na sumasakay rito araw-araw.

Ayon sa pamunuan ng MRT at maging ng mga opisyal ng Department of Transportation, matagal na nilang pinaplano ang pagsuspende sa operasyon nito ngunit hindi nila magawa dahil wala pa silang nakikitang alternatibong solusyon kung saan pasasakayin ang mga maaapektohang pasahero.

Maging ang MRT commuters ay hati rin ang opinyon. Nangangamba ang marami para sa kanilang buhay at nangangamba rin sila kung may masasakyan ba sila kung sakaling matigil ang operasyon ng MRT.

Hindi maaaring ‘pag naisip na suspendihin ang operasyon ay agad itong ipatutupad. Hindi karakarakang ititigil ang opera­syon nang hindi napag-aaralang mabuti.

Oo, naroroon na tayo, ang kaligtasan ng mga pasahero ang dapat isaalang-alang. Pero dapat din tayain o alamin kung mas makatutulong ba ang plano o lilikha lang ng dagdag na problema.

Dapat ay may alternatibong sasakyan para sa mga pasahero ng MRT sakaling ipatupad nga ang suspensiyon. Tiyakin munang may masasakyan ang mahigit 600,000 pasahero bago sumige sa kung anomang plano. At ang mga pasahero ay dapat rin ihanda ang kanilang sarili kung ano ang magiging resulta nito.

Pero sana sa dakong huli, walang magsisisihan.

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *