Wednesday , December 13 2017
Breaking News
You are here: Home / News / P125-K shabu kompiskado sa bebot
P125-K shabu kompiskado sa bebot

P125-K shabu kompiskado sa bebot

UMABOT sa P125,000 halaga ng shabu ang nakompiska sa dalawang babae sa Maynila, nitong Sabado.

Ang mga suspek na sina Raizah Benito, 24, at Aira Topaan, 20, ay nahulihan ng 25 gramo ng hi-nihinalang shabu.

Ayon kay Ismael Fajardo, Jr., regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency, da-lawang linggo nilang isinailalim sa surveillance ang mga kilos ni Benito bago ikinasa ang operas-yon.

Nakuha rin sa dalawa ang bundle ng P100,000 salapi.

Aminado si Benito na courier siya ng shabu, habang si Topaan ay niyaya lang umanong sumama.

Ipinadala umano sa kanila ang shabu ng isang Mira Dimasangcay para ihatid sa isang Shiela Ashidushi.

Nasa kustodiya ng PDEA ang dalawang babae at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com