Thursday , August 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Bonus ng 191,480 PNP personnel nasa ATM na
Bonus ng 191,480 PNP personnel nasa ATM na

Bonus ng 191,480 PNP personnel nasa ATM na

MAAARI nang simulan ng police personnel sa bansa ang kanilang Christmas shopping.

Ito ay makaraan ipalabas na ng Philippine National Police ang P4.4 billion year-end bonus para sa kanilang personnel.

Sinabi ni PNP spokesperson, Chief Supt. Dionardo Carlos, may kabuuang 191,480 active duty uniformed and non-uniformed personnel ang nakatakdang makinabang sa P4,429,302,582 fund.

READ MORE:  Misis, 7 anak pinatay ng 2 tatay

Ayon kay Carlos, inilagay na ng PNP Finance Service ang pondo sa individual automated teller machine payroll accounts ng kanilang personnel sa Land Bank of the Philippines.

READ MORE:  MRT spare parts dumating na

Aniya, ang year-end bonus ay kumakatawan sa katumbas na halaga ng isang buwan basic salary at mandated P5,000 cash gift mula sa national government.

READ MORE:  13 Nigerian tiklo sa ‘love scam’

Gayonman, ang year-end bonuses at iba pang insentibo ng PNP personnel na may nakabinbing kasong administratibo at kriminal, ay iniliban.

Sinabi ni Carlos, ito ay bahagi ng kanilang disciplinary policy.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved