Sunday , June 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bagong episode nina elmo at Janella sa Wansapanataym kaabang-abang ang mga eksena (Fantasy-Drama-Comedy Anthology wagi ng parangal sa 31st Star Awards for Television)
Bagong episode nina elmo  at Janella sa Wansapanataym kaabang-abang ang mga eksena (Fantasy-Drama-Comedy Anthology wagi ng parangal sa 31st Star Awards for Television)

Bagong episode nina elmo at Janella sa Wansapanataym kaabang-abang ang mga eksena (Fantasy-Drama-Comedy Anthology wagi ng parangal sa 31st Star Awards for Television)

FIRST episode pa lang ng “Wansapanataym Presents: Jasmins Flower Powers” na comeback tandem sa TV ng ElNella love team na sina Elmo Magalona at Janella Salvador na napanood nitong November 12 ay kitang-kita na ang ganda ng istorya nito na aabangan talaga ang bawat eksena.

Nagsimula ang kuwento sa mga magulang ng magkapatid na Jasmin (Salvador) at Daisy (Heaven Peralejo) na sina Oscar (John Medina) at Dahlia (Bernadette Allison) na pinagkalooban ng mahiwagang puting bato na makapangyarihan ng Reyna ng Flower Fairy na si Arlene Muhlach.

Pero agad na nawalan ng bisa na umabot pa sa pagkakasumpa kay Bernadette dahil naging gahaman sa yaman ang mister na si Oscar na namatay naman dahil sa aksidente.

Napunta si Jasmin sa mag-asawang Almira Muhlach at Rommel Padilla na busilak ang mga puso na itinuring siyang tunay na anak. Samantala sa parehong makasariling couple na Rufa Mae Quinto at Lui Villaruz napunta si Daisy (Peralejo) kaya naman puro galit din ang namamayani sa puso ng dalaga na nawalay sa kapatid at nawalan ng mga magulang.

Parehong ipinagkaloob sa magkapatid ng Flower Fairy ang itim na buto ng halaman at nakadepende sa kanila ang kaligtasan ng kanilang inang si Dahlia, na nakakulong sa mahiwagang bulaklak na once gumawa ang isa man sa kanila ng masama ay unti-unti malalagas ang petals nito na puwedeng ikamatay ni Dahlia.

Ang binatang si Thor (Magalona) na kasintahan ni Jasmin ang magpapasaya sa mundo ng dalaga na mapapalitan agad ng lungkot dahil ilalayo sa kanya si Thor at hindi na papupuntahin sa Flower farm  ng mother nito.

Kuwentong puno ng aral ang ihahatid ng Jasmins Flower Powers, na magtuturo ng kahalagaan ng pagkakaroon ng ‘purong puso.’

Panoorin ang pagpapatuloy ng istorya nito ngayong Linggo pagkatapos ng The Little

Big Shots, sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa fb.com/ dre- amscapeph at i-follow ang @dreamscape- ph sa Twitter at Instagram.

Samantala sa katatapos na 31st Star Awards for Television ng PMPC ay wagi o itinanghal na “Best Horror-Fantasy Program” ang Wansapanataym.

LITO MAKIKIPAGTUOS NA
SA KALULUWANG HALANG
AT TRAYDOR NA SI JOHN
(Coco matuloy kayang
ibisto ni Angeline
sa “FPJ’s Ang Probinsyano”)

NAGBABADYANG masira ang lahat ng plano ni Cardo (Coco Martin) at Romulo (Lito Lapid) sa pagbabalik nila sa Maynila dahil kasado na ang pagsusuplong sa kanila ni Regine (Angeline Quinto) upang makuha ang pabuyang nakapatong sa kanilang mga ulo sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Sa muling pagtapak ni Cardo sa Maynila kasama si Romulo, nakilala nila ang pamilya ni Daga (Rico J. Puno), isa sa mga dating kasapi ng pangkat, upang tulungan silang mahuli si Alakdan (Jhong Hilario).

Ngunit hindi naging maayos ang pagtanggap sa kanila ng anak nito na si Regine dahil inihahalintulad sila ng dalaga sa mga taong pumatay sa kanyang kuya, kaya naman matindi ang galit nito sa miyembro ng rebeldeng grupo.

Upang mabigyang hustisya ang pagkamatay ng kapatid, sasamantalahin ni Regine ang tiwalang ibinibigay nina Cardo at Romulo sa kanyang ama at sisiguradohing mahuhuli sila ng mga awtoridad, para makuha na rin ang P10 milyong pabuya.

Hindi naman magpapatalo si Cardo at gagawin ang lahat upang maisakatuparan pa rin ang kanyang mga planong pagtugis kay Alakdan at pagsisiwalat sa kasakiman ni direktor Hipolito (John Arcilla).

Magtagumpay kaya si Regine sa kanyang plano? Makaligtas naman kaya si Cardo? Pakatutukan ang maaaksiyong tagpo sa nangungunang serye sa bansa, ang “FPJ’s Ang Probinsyano,” gabi-gabi sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Para mapanood ang past episode ng palabas, mag-log in lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

 

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved