Tuesday , October 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Rhian, sinuportahan ni Lovi sa Fallback
Rhian, sinuportahan ni Lovi sa Fallback

Rhian, sinuportahan ni Lovi sa Fallback

NAKATUTUWA ang pagkakaibigan nina Rhian Ramos at Lovi Poe. Isa ang GMA actress sa mga sumuportahang kaibigan ni Rhian sa special screening ng Fallback na ginawa noong Lunes sa Dolphy Theater. Palabas na ngayon ang Fallback handog ng Cineko at Star Cinema na pinagbibidahan nina Rhian at Zanjoe Marudo.

Sa post ni Lovi sa kanyang social media account, sinabi nitong, ”Fallback is such a cute film!! Very relatable…because you know sometimes in life it’s good to have options. By does that go with people too? Congratulations @whianwamos ! Such a natural! Fantastic as always! (kiss emoji).

Ang Fallback ay Graded B ng Cinema Evaluation Board. Ang pelikula ay ukol sa alternative plan kapag hindi nag-work out ang unang desisyon.

Bukod kay Rhian, sinuportahan naman nina Ria Atayde, Hyubs Azarcon, at Milo Elmido Jr., si Zanjoe.

Naroon din sa special screening ang Cineko producers sa pangunguna ni Mayor Patrick Meneses gayundin siHashtag Ryle, at Jeffrey Hidalgo.

Tulad ng tinuran ni Lovi, natural na natural ang acting ni Rhian bilang isang location manager at tulad ng sinasabi ng karamihan unexpected  pero maganda ang chemistry nina Zanjoe at Rhian.

Napakahusay din ng pagkakaganap ni Ricky Davao bilang si Direk Tammy. Talaga namang siya ang nagdagdag ningning at tuwa sa pelikula.

Muli, kahanga-hanga ang ginawang pagdidirehe rito ni Jason Paul Laxamana. Hindi ka maiinip sa palitan ng dialogue at hihintayin mo kung ano ang magiging katapusan ng kanyang kuwento.

Sumuporta rin sa special screening ang iba pang bida ritong sina Cai Cortez, Lemuelle Pelayo at Daniel Matsunaga.

Palabas na sa mga sinehan ang Fallback.

JAMES REID,
WAGI SA MTV
EUROPEAN
MUSIC AWARDS

NAIUWI ni James Reid ang Best Southeast Asian Act sa katatapos  na MTV European Music Awards 2017 na ginanap sa Wembley Stadium sa London, United Kingdom.

Tinalo niya ang iba pang katunggali niya mula sa iba’t ibang bahagi ng Southeast Asia tulad nina Faizal Tahir (Malaysia), Dam Vinh Hung (Vietnam), Isyana Sarasvati (Indonesia), Slot Machine (Thailand), The Sam Willows (Singapore), at Palitchoke Ayanapura (Thailand).

Abot-langit ang pasasalamat ni James sa lahat ng nagbigay ng suporta sa kanya. Aniya, ”Thank you, MTV for awarding me Best Southeast Asian Act. It is such an honor to be representing the Philippines. And with this recognition, I will keep on making music and bring the Philippines to the world stage.

READ MORE:  Walang Tulugan, mamamaalam na sa ere

“At siyempre maraming, maraming salamat po sa lahat ng bumoto sa akin. JaDine fans, mahal ko kayo.”

 

UNANG TEASER
NG ANG PANDAY,
HINANGAAN

NAKA-3.9K ng likes, 582 shares, at 118k views na ang kauna-unahang teaser ng Ang Panday simula nang i-post ng Star Cinema sa Facebook account nila ang pelikulang idinirehe at pinagbibidahan ng Primetime King na si Coco Martin.

Sa teaser, kita ang pagpapanday ng espada ni Flavio, ang bidang karakter ng pelikula at ginagampanan ni Coco. Makikita rin ang mga alagad ng kadiliman tulad ng manananggal na makakalaban ng bida.

Sa 32 seconds na teaser, makikita ang tinuran noon ni Coco na modern Panday ang mapapanood. Ang biruan nga ng ilang nag-comment, asensado na si Panday dahil naka-motor na ito habang nilalabanan ang masasamang elemento na nasa MRT.

Makakasama ni Coco bilang mga leading lady ang beauty queens na sina Kylie Verzosa at Mariel de Leon.

Ang Panday ay sa Metro Manila Film Festival at ipapalabas sa mga sinehan sa Kapaskuhan, Disyembre 25 handog ng Star Cinema, CCM Films, at Viva Films.

Samantala, muling nagpasaya si Coco ng mga bata sa pagbisita niya kamakailan sa Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City.

Tradisyon na sa Primetime King na mamahagi ng regalo at magpasaya. Sa loob ng isang taon, hindi lang iisang ospital, eskuwelahan, o lugar ang pinapasyalan niya para mamigay ng mga regalo, magpakain, at magbigay saya kasama ang mga kapwa artista niya sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Maraming mga batang cancer patient ang napasaya ni Coco sa kanyang pagbisita sa PCMC na kitang-kita sa mga larawang ibinahagi ni Eric John Salut, Dreamscape Publicity head.

Doo’y hindi magkamayaw ang mga bata sa pagpapa-picture kasama si Coco at ibang artista ngFPJAP.

Kahanga-hanga ang ginagawang iyon ni Coco, kahit sandali’y nalimutan ng mga bata ang kanilang iniindang sakit. God bless you Coco…

KRIS, OBSESSED SA LABELLING
(sa pag-eempake ng gamit);
BRONZE AWARDEE SA 2017 BERLIN
NATIVE ADVERTISING AWARDS

TOTOO ang kuwentuhan ng mga kasamahan sa panulat ukol kay Kris Aquino. Nawala man sa telebisyon, heto’t ratsada naman siya sa social media. Katuwa nga ang mga isine-share niya sa kanyang blog na marami ang matututuhan ng mga nanay na tulad niya.

READ MORE:  Dee Girls, nakatakdang rumampa sa Solaire at Resort’s World

Kung may isang bagay akong hinahangaan kay Tetay, iyon ay ang pagiging mabuting ina. Tutok na tutok siya sa mga pangangailangan nina Josh at Bimby. At kahanga-hanga kung paano niya asukasuhin ang mga pangangailangan ng mga ito lalo na kapag may travel sila abroad.

Super enjoy ako sa pag-eempake niya ng gamit ni Bimby sa isang out of the country trip. Talagang lahat ay may label ang gamit at aminado naman siyang obsessed siya sa labelling. At dahil doon, gagayahin ko na siya ha ha ha.

Effective ‘di ba? Kaya hindi kataka-taka kung gawaran siya ng Bronze Award ng Berlin Native Advertising Awards for Best Influencer 2017. Kasi naman, talagang maraming mapupulot sa kanyang mga blog at post.

Sabi nga ni Kris, ”It all started because I had to find a way, network TV was no longer open to me. I researched & knew that going online was an avenue I could try.

“Wih a brand new team, we knocked on doors—@nbsalert was 1 of our 1st believers. Thank You God for this blessing! We’re back home and I saw a message from 1 of my life’s heaven sent angels.

@xandraramos.

“To all of you who could now be where I ws at the star of 2017, questioning the how comes & the—what Ifs—take it from me: JKP –Just Keep Praying!

“Surround yourself w/ creative, positive, hard-working, loyal people, and don’t lose faith because as promised in Jeremiah 29:11 ‘For I know the plans I have for you,’ declared the Lord, ‘plans to prospoer you and not to harm you, plans to give you hope and a future.”

Idinagdag pa ni Kris na, ”In all my years of working on tv & film—this is my first European recognition. It is all the more meaningful because it was a digital production done by our KCAP team w/guidance from Huddle Room & it was a shoot I did w/my bunso. Good night from a very grateful believer in god’s wondrous ways.”

READ MORE:  Mga televiewers, iritang-irita kay Jake Cuenca!

KINITA SA KRIS
AQUINO POP-UP
CHARITY BAZAAR,
ILALAGAK SA PGH

LIKAS din sa pagiging matulungin ang award winning TV host. Kaya naman marami ang nata-touch niya rito.

Sa mga comment ng post niya ukol sa bazaar, marami ang nagpasalamat kay Kris sa pagiging mapagbigay at matulungin nito. Nagpapasalamat sila na ginagamit si Kris ng Panginoon para tumulong sa mga tulad nilang nangangailangan.

Ayon nga sa comment ni Gracemarie Alva Villaverde, na matagal ding na-confine ang kanyang ina dahil nagkasakit din ito ng cancer noong 2009. Aniya, naiiyak siya sa mga blob ni Kris at sinabing, ”I’m always thankful esp. to God to you mam Kris for having a big heart helping others n to those u are in need indeed your truly blessed. “

Marami pa ang nagpasalamat sa post ni Kris na ito nang tanungin niya si Rossy kung paano makatutulong ang kanyang bazaar. At ang sagot nga ng PGH, ”The amount will be spent improving the facilities of pediatric cancer patients in the Cancer Institute of Philippine General Hospital which sees average of 60 patients 3x a week or around 180 patients a week (I felt all of you should know where funds would be utilized).”

Ang Kris Aquino Pop-Up Charity Bazaar for Pediatric Cancer Patients ginanap sa Brixton Building, Kapitolyo, Pasig noong Oktubre 23-26 at sinabi ni Kris na ang kinita nito’y ibibigay niya sa Philippine General Hospital.

 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved