Tuesday , November 21 2017
Breaking News
You are here: Home / Sports / Lady Bulldogs 14-0 na
Lady Bulldogs 14-0 na

Lady Bulldogs 14-0 na

SINAGASAAN ng defending three-time champion National University Lady Bulldogs ang 14-game elimination round sweep matapos lapain ang 63-50 panalo kontra University of the East Lady Warriors sa UAAP Season 80 women’s basketball tournament sa the Filoil Flying V Centre.

Nilista rin ng Lady Bulldogs ang 62-0 wins simula 2014 sapat para siluhin ang fifth straight title round appearance.

Dalawang panalo na lang at ibubulsa ng NU ang four-peat.

Tumikada si Ria Nabalan ng 14 points, limang rebounds at tatlong assists habang bumanat si Rhena Itesi at Jack Danielle Animam ng pinagsamang 41 rebounds para sa NU.

Kumana sina Trixie Antiquiera at Je Anne Camelo ng tig 11 puntos habang 10 puntos ang inambag ni Janet Sison para sa Lady Bulldogs.

Nirehistro ni Ruthlaine Tacula ang 14 markers para sa Lady Warriors na umiskor lang ng apat na puntos sa third period.

Kahit natalo ang UE, (11-3), swak pa rin sila sa stepladder semifinals kasama ang twice-to-beat advantage dahil sa pagiging No. 2 seed sa eliminations.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

COMMENTS

About Arabela Princess Dawa

Scroll To Top

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com