Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Customs police todas sa broker

Customs police todas sa broker

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isang customs police officer makaraan makipagbarilan sa isang broker, sa Brgy. Macasandig sa lungsod na ito, nitong Huwebes ng gabi.

Natagpuang patay sa tabi ng kaniyang sasakyan ang biktimang si Roy Ancajas, tinamaan ng tatlong bala sa katawan.

“According sa security guard na nakakita, may narinig silang malakas na bundol ng sasakyan tapos tiningnan nila, may isang lalaki lumapit sa biktima, pinaputukan siya dalawang beses,” sabi ni Chief Inspector Ariel Pontillas ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO).

READ MORE:  Abad inabswelto sa Pork Scam

Bukod sa kotse ni Ancajas na may sira sa likurang bahagi, walong basyo ng kalibre .45 baril ang natagpuan sa lugar.

Narekober sa follow-up operation ng mga awtoridad ang kotse ni customs broker Joed Pasasadaba sa JR Borja General Hospital, sa pagamutang ito siya dinala sanhi ng limang tama ng bala sa katawan.

READ MORE:  Girian sa Minorya lalong umiinit

May rin tama ng bala sa harapan ng kotse ni Pasasadaba. Agad siyang inilipat sa Northern Mindanao Medical Center para maoperahan.

Ayon sa pulisya, klarong may kinalaman si Pasasadaba sa pagkamatay ni Ancajas.

Inaresto ng awtoridad ang nagsilbing driver ni Pasasadaba na si Segfried Roxas. Sa tulong niya, narekober ng mga awtoridad ang dalawang .45 kalibreng baril na may mga bala, sa madamong bahagi ng crime scene.

READ MORE:  2 itinumba sa Naga ng Bicol vigilante

“Hindi pa natin malaman kung kanino ito kasi puro may tama, ‘yung isa, patay, ‘yung isa may tama rin. Maaari itong isa galing sa isang suspetsado, or puwedeng ang dalawang baril galing sa kaniya,” ayon kay Senior Inspector Abdul Alim Sumandar.

Kapwa sasampahan ng kasong pagpatay sina Roxas at Pasasadaba.

HATAW News Team

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved