Tuesday , October 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Abogada arestado sa tangkang suhol sa NBI
Abogada arestado sa tangkang suhol sa NBI

Abogada arestado sa tangkang suhol sa NBI

INARESTO ang isang abogada nang tangkaing suhulan ang hepe ng National Bureau of Investigation (NBI) Special Task Force, kamakalawa.

Nagsagawa ng entrapment operation ang NBI Special Task Force at nahuli sa akto ang abogadang si Exel Antolin na nag-abot ng sobreng may lamang P200,000.

READ MORE:  Human rights ‘di malalabag sa checkpoints — QCPD

Ito umano ay suhol niya sa ahensiya para hindi ituloy ang pagsampa ng kaso sa kaniyang kaanak. 

Nauna rito, inaresto ng NBI nitong Miyerkoles ang kaanak ni Antolin na si Norberto Landicho dahil sa pagkukunwaring doktor sa isang clinic, eskuwelahan, at ospital sa Quezon City. 

READ MORE:  20 drums ng smuggled fuel nasabat sa Palawan

Ayon kay Atty. Moises Tamayo, hepe ng NBI Special Task Force, nagpagamot kay Landicho ang isang ahente nila at pumirma ang pekeng doktor sa reseta bagama’t wala siyang lisensiya.

Para sa NBI, isa itong babala sa lahat ng mga nag-aakala na nabibili at naaareglo ang mga kaso sa kanilang ahensiya.

READ MORE:  Kontrata ng kasal 5 o 10 taon lang dapat

Si Landicho ay kinasuhan ng illegal practice of medicine, habang si Antolin ng corruption of a public official.
Kapag napatunayan, posibleng makulong si Antolin mula anim hanggang 12 taon. Balak din siyang ipa-disbar ng NBI. 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved