Friday , January 18 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Lady trader ginilitan, tinadtad ng saksak ng ‘lover’
Lady trader ginilitan, tinadtad ng saksak ng ‘lover’

Lady trader ginilitan, tinadtad ng saksak ng ‘lover’

SELOS ang hinihinalang dahilang kung bakit natagpuang patay, may gilit sa leeg at tadtad ng saksak ang isang 42-anyos negosyanteng babae sa loob ng kanyang silid sa Parañaque City, nitong Miyerkoles ng gabi.

READ MORE:  Panibagong rollback ipatutupad

Kinilala ang biktimang si Menchie Modesto, ng Unit A, Verdant, Teoville 3, West Lourdes St., Brgy. BF Homes, ng nabanggit na lungsod.

Habang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na si Edwin Casa y Maranan, residente sa 12 Pangako St., Calumpang, Marikina City, huling nakitang pumasok sa loob ng silid ng biktima.

READ MORE:  4 paslit patay sa sunog (Ancestral house, pabrika naabo sa Metro,Nigerian sugatan)

Sa inisyal na ulat mula sa Southern Police District (SPD), naganap ang insidente dakong 6:30 pm sa bahay ng biktima.

READ MORE:  Bongbong pursigido sa electoral protest

Bago ang insidente, nakita ang biktima sa loob ng kanyang silid kasama ang suspek at pagkaraan ang ilang oras ay natagpuang wala nang buhay ang ginang.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top