Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Misis ni actor-politiko, feeling young
Misis ni actor-politiko, feeling young

Misis ni actor-politiko, feeling young

GUSTONG maduwal ang misis ng isang aktor-politiko sa tuwing dumadalaw sa huli ang karelasyon ng matalik nitong kaibigan.
Hindi na namin tutukuyin kung saang lugar nagtatagpo-tagpo ang mga tauhan sa kuwentong ito.

Feeling young kasi ang karay-karay na karelasyon, na in fairness ay naging ka-close na rin ng esmi ng binibisita nilang ator-politician.

READ MORE:  Kris Aquino sobrang nalungkot, imbitasyon ni Kennedy ‘di nasipot

“Paano ba namang hindi ka masusuka roon sa babaeng ‘yon?” bungad na kuwento ng aming source, “’Di ba, nakasanayan na natin sa showbiz na bilang paggalang sa taong nakatatanda sa atin, eh, tinatawag natin siyang kuya o ate? Kaya naman bilang respeto, ate ang tawag naming lahat sa kanya. Pero huwag daw namin siyang maate-ate dahil magkakaedad lang daw kami? Urgggh! Pagkasabi niyang ‘yon, ‘di ko na natiis pumunta sa CR at gusto kong masuka! Juice ko, sa hitsura’t hitsura pa lang, eh, halata mo namang masyonders na siya, ‘no!
Ilusyonadang babae!”

READ MORE:  MMK at Wansapanataym, wagi sa international award-giving bodies (Espesyal na regalo sa ika-60 anibersaryo ng ABS-CBN…)
READ MORE:  Ang ma-nominate kaming 3 nang sabay-sabay ay katumbas ng isang tropeong pagkapanalo — Sylvia

‘Di hamak na mas kilala ang dyowang aktor ng feeling bagets na misis kaya ito na lang ang hulaan n’yo, na itatago na lang namin sa alyas na Salvatore Ipanema.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved