Monday , October 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mga taga-That’s Entertainment may Reunion for Isabel
Mga taga-That’s Entertainment may Reunion for Isabel

Mga taga-That’s Entertainment may Reunion for Isabel

MAGSASAMA-SAMA sa isang ”reunion for Isabel” ang lahat ng mga dating nakasama ng aktres sa That’s Entertainment. Sa kanilang usapan, magkikita-kita ang lahat sa Sanctuario de San Jose sa Greenhills sa Biyernes, mula 6:00 p.m. hanggang hatinggabi.

Magsasama-sama rin silang maghahandog ng panalangin para sa yumao nilang kasama.

Siguro, sinasabi nga ng ilan sa kanila, iyan ang magiging pinakamalaking pagsasama ng lahat ng mga taga-That’s Entertainment pagkatapos ng naging wake rin ng master showman na si Kuya Germs.

READ MORE:  Gerald at Kim parehong ‘tulak ng bibig, kabig ng dibdib’ ang drama “Sa Ikaw Lang Ang Iibigin”

Marami kasing naging kaibigan din si Isabel sa kanila kahit na nga hindi niya nakasama sa Tuesday group. Kasi nang malaunan, si Isabel naman ay naging co-host na ng Saturday Entertainment na nagkakatipon-tipon na lahat sila.

Lahat halos ay mayroon ding nasasabing mga alaala nila sa panahong nakasama nila si Isabel. May suggestion nga na siguro para malaman naman ng ibang tao ang mga iyon, baka maaaring magkaroon sila ng Necrological service para sa yumao nilang kasama, pero wala pang definite plans maliban sa magsasabay-sabay nga sila sa pagtungo sa burol ni Isabel upang makiramay. Gayunman, may nagsasabi ring bukod sa usapang iyon, gusto rin nilang makita agad ang aktres kaya siguro marami pa rin sa kanila ang darating na sa unang gabi ng lamay.

READ MORE:  Sylvia, kabado sa pakikipag-date ni Arjo
READ MORE:  Nakahahabag ang ending ng bonggacious na career!

 Darating ang labi ni Isabel sa Pilipinas bago magtanghali ng Huwebes, dala ng kanyang asawang si Arnel Cowley. Sinasabing sa Qatar ay sumailalim na rin sa embalmment ang labi ng aktres dahil nagkakaroon na ng early signs of deterioration, kaya inayos na siya roon. Siguro sa pagdating niya sa Pilipinas ay aayusan siyang muli bago siya iburol sa Sanctuario de San Jose.

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved