Saturday , February 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kathryn, nangunguna sa kampanya laban sa cyber bullying
Kathryn, nangunguna sa kampanya laban sa cyber bullying

Kathryn, nangunguna sa kampanya laban sa cyber bullying

TALAGANG mabigat ang kampanya ng KathNiel, particularly si Kathryn Bernardo laban sa cyber bullying. Kasi siya mismo naging biktima niyon. Isipin ninyong may lumabas palang panlalait sa kanya sa social media at naka-video pa iyon na ginawa niyong si Xander Ford.

Ngayon nagreklamo si Xander Ford laban doon sa nag-upload ng video na nilalait niya si Kathryn, pero ang punto roon, saan ba iyon nakuha ng nag-upload kung hindi nila naunang inilabas sa internet ang ginawa niyang panlalait sa aktres? Aminado naman siyang ginawa niya iyon, kaya siya talaga ang nag-cyber bully kay Kathryn. Kung bina-bash siya ng fans ngayon ng aktres, pasensiya siya dahil may ginawa siyang hindi tama eh.

Iyan namang mga artista, dapat matuto na rin. Huwag silang labas ng labas ng kung anu-ano sa social media. Nagiging sitting target sila ng mga hecklers dahil ine-expose nila ang sarili nila sa social media.

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved