Monday , June 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktres, ikinagulat ang giveaway na regalo ng bilas na aktres
Aktres, ikinagulat ang giveaway na regalo ng bilas na aktres

Aktres, ikinagulat ang giveaway na regalo ng bilas na aktres

DATI palang close sa isa’t isa ang magbilas na aktres at isang female personality. Bukod kasi sa pareho sila ng age bracket ay kapwa sila intelihente at smart.

“Kaso, naloka ‘yung babaeng personalidad sa bilas niyang aktres,” panimula ng aming source. ”Isang Pasko ‘yon, nagregalo ‘yung aktres doon sa bilas niya. Kaso, hulaan mo kung ano ‘yung Christmas gift na natanggap ng female personality mula sa aktres…payong na may nakasulat pang name ng aktres! Ano pa nga ba? Giveaway lang ang peg!” dagdag nitong tsika.

Sa totoo lang, hindi naman daw materyosa ang niregaluhan ng payong. ”Hindi naman siya tumitingin sa material na bagay lalo’t kung bukal naman sa loob ang pagbibigay ng regalo. Hindi ba’t may kasabihang, ‘It’s the thought that counts’ naman? Kaso, huwag naman sana siyang itinuring na ibang tao ng bilas niyang aktres. Binigyan man lang siya ng espesyal na Christmas gift!”

Da who ang magbilas na itey? Itago na lang natin ang aktres sa alyas na Rina Binibini samantalang ang female personality ay tawagin na lang nating Alicia Sotanghon.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved