Wednesday , April 24 2024
blind mystery man

Male singer, nang tumanda at saka naging unprofessional

DALANG-DALA (as in fed up) na ang isang concert producer sa kawalan ng propesyonalismo ng isang male singer sa mismong pagtatanghal nito para pa mandin sa anibersaryo ng kanyang maraming taon sa pagkanta.

Himutok ng produ, ”Saan ka ba naman nakakita na mismong pictorial na niya para sa anniversary concert niya, eh, late pa siyang dumating? Nakakagalit!”

Ang siste, umaga ang call time para sa shoot na ang mga picture ay gagamitin sa ikakalat na poster. ”Alas nuwebe siyang sinabihan na dapat, nandoon na siya sa venue. Siyempre, memeyk-apan siya, may wardrobe change dahil alangan namang isa lang ang isuot niya. Kamukat-mukat mo, palubog na ang araw nang dumating siya!”

Sinisisi rin ng produ ang kanyang sarili dahil winarningan na siya noon pa ng mga nakatrabaho ng singer, ”Matigas din kasi ang ulo niyong produ. Band rehearsal nga, eh, late rin dumarating ang lolo mo, ‘no! Ano ‘yon, siya lang ang inaantay bago magsimulang mag-ensayo? Hmp! Isinusumpa ng produ na huling beses na siyang makikipagtrabaho sa singer na ‘yon!”

Da who ang pasaway na male singer na kung kailan tumanda ay at saka pa naging unprofessional? Itago na lang natin siya sa alyas na Ricky Macapuno. 

(Ronnie Carrasco III)

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *