Sunday , February 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Intel ops vs ‘casino cops’ iniutos ni Bato
Intel ops vs ‘casino cops’  iniutos ni Bato

Intel ops vs ‘casino cops’ iniutos ni Bato

INIUTOS ni Philippine National Police chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang pagsasagawa ng intelligence operation sa lahat ng mga casino sa Entertainment City sa Parañaque upang matukoy ang mga pulis na tumatambay roon.

“Heto ngayon I am directing si [Directorate for Intelligence chief Director Gregorio] Pimentel na mag-post siya ng intelligence sa Entertainment City at bantayan ang mga pulis na palaging nakababad diyan sa mga casino,” pahayag ni Dela Rosa sa press conference.

“So I am directing the director for intelligence, monitor mo ‘yung lahat ng pulis na tambay diyan. Maraming nakababad na pulis diyan na scalawag puro pera ang laman ng utak kahit na galing sa kriminal na paraan,” dagdag ng heneral.

Ibinigay ni Dela Rosa ang utos kasunod nang pagkakasangkot ng ilang pulis sa pagdukot at pagpatay sa casino junket operator na si Carlos Abad Tan.

Aniya, ang mga pulis ay walang dahilan para magtungo sa mga casino maliban kung mayroon silang ginagawang ilegal doon.

“Likely puwede ‘yang suspect sa mga kidnapping ng mga junket ope-rator dahil alam nila kung sino ang nagkakapera, who’s who sa gambling business,” aniya, idinagdag na ang mga pulis ay walang sapat na pera para maglaro sa mga casino.

Walang binanggit na mga pangalan, sinabi ni-yang batid niya kung sino ang mga pulis na inilipat ng Mindanao ngunit hindi nagtungo roon kundi naging regular fixtures sa mga casino.

“Alam kong mara-ming ninja cops na hindi nag-report sa Mindanao, sa Basilan, hindi nag-report sa Marawi. And’yan sila ngayon sa Entertainment City nakatambay. Kung and’yan sila para sa sugal, saan sila kukuha ng pera? Kung and’yan sila, ano ang ginagawa nila?” aniya.

Si Tan at ang kanyang driver na si John Nikko Tan ay dinukot noong 21 Oktubre sa NAIA Expressway sa Parañaque City.

Ang mga kidnapper ay humingi ng P50 mil-yon ngunit ibinaba ito sa P10 milyon. Sa gitna ng negosasyon, pinatay ng mga suspek si Tan.

Nadiskobre ang kanyang bangkay noong 23 Oktubre sa Pinaglintikan Bridge sa Tagaytay City.

Sa follow-up operation nitong Biyernes, na-patay ng PNP-Anti Kidnapping Group ang mga suspek na sina PO3 Rodel Estonactoc, PO1 Ramil Espejo, PO1 Rolando Tabios, at Erwin Escobido.

Nitong Biyernes, sumuko si SPO1 Benjamin Pagarigan sa pulis-ya, habang si PO3 Arman Labrador ay arestado nitong Linggo ng gabi.

Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang iba pang mga suspek na sina Supt. Johnny Orme, sinasabing lider ng grupo; Alex Gozum, hinihinalang financier, at isang hindi pa kilalang tipster.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved