Friday , October 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Isko Moreno nagbitiw o pinadalhan ng mensaheng sisibakin?
Isko Moreno nagbitiw  o pinadalhan  ng mensaheng sisibakin?

Isko Moreno nagbitiw o pinadalhan ng mensaheng sisibakin?

SA pagtatapos nitong nakaraang linggo, maraming pangyayari ang talagang kagulat-gulat.

Positibo at negatibong balita ang kinagigisnan ng sambayanan tuwing umaga minsan nga bago matulog sa gabi.

Nagtagumpay ang giyera sa Marawi. Itinumba ang isang broadcast journalist. Malaki at malawak na illegal terminal na nawalis kuno at ang pagbibitiw ni Isko Moreno sa North Luzon Railways Corporation bilang Chairman at Chief Executive Officer (CEO).

Mahigit tatlong buwan pa lamang nang italaga ni Pangulong Digong si Isko sa Northrail.

READ MORE:  Tatlong salot na kolek-tong sa Divisoria!

Maraming haka-haka tayong naririnig kung bakit nag-resign si Isko.

Una, hindi raw kaya ni Isko ang trabaho. May mga nagsasabi rin, hindi raw talaga nagtatrabaho.

Ikalawa, pinag-resign na raw, kasi nga hindi naman performing asset.

Ay sus!

E ano nga bang maaasahan, sa isang ex-traffic ‘asar’ ‘este czar?!

Kahit noon, bilang traffic czar si Isko e hindi rin naman nakapagpaluwag ng trapiko sa Maynila.

READ MORE:  Nasaan ang justice ni Leila de Lima?

May ugong naman, na kaya nagbitiw si Isko, dahil walang pondo ang North Rail. Tatlong buwan na raw hindi sumusuweldo.

Mukhang allergic si Isko kapag walang pondo at suweldo.

Siyempre, kapag parang bangkarote ang ahensiya, hindi rin siya sisikat, ‘di ba?!

Pero may tsismis rin na si Isko raw ang napipisil na maging PDP Stalwart sa Maynila.

Matupad na kaya ang ‘abandonadong pangarap’ ni Isko na maging mayor ng Maynila?!

READ MORE:  BIR delayed na delayed ang aksiyon vs money launderers at tax evaders

Umaatikabong bakbakan ‘yan ng dating magbiyenan ‘este mag-amo.

Pero kung sa PAGCOR nailagay si Isko, malamang hindi siya nag-resign agad.

Kabisado niya ang pasikot-sikot sa lahat ng Casino ng PAGCOR.

Hindi ba, Madam Twinkle Valdez?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved