Saturday , June 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktres may pagka-matinggera, mga nakakatrabaho, binibiktima
Aktres may pagka-matinggera, mga nakakatrabaho, binibiktima

Aktres may pagka-matinggera, mga nakakatrabaho, binibiktima

HANGGANG ngayo’y aktibo pa rin ang aktres na ito na kung hindi ina ay tiyahin ng bida ang ginagampanang papel sa ilang teleserye.

Pero hindi maiwasan ng mga taong nakakakilala sa kanya na magbalik-tanaw sa mga kuwentong sangkot ang aktres.

“Naku, isa siyang klepto! In other words, matinggera!” impormasyon ng aming source na nasaksihan pala kung paanong ninenok ng aktres ang gamit ng kasamahan niyang staff sa isang talk show noon.

“Huwag na huwag mong iiwan ang gamit mo kung saan-saan kapag nariyan ang hitad, tiyak na malo-lost ‘yun! Naku, na-sight talaga namin kung paanong isinilid niya ‘yung cellphone ng staff namin, inalis niya ‘yung SIM card para nga naman hindi siya makontak ng may-ari. Kaso, nahuli namin siyang binabaKlas niya ‘yon sa dressing room at sukat ba namang itinapon ‘yung SIM card sa inidoro! Ewan kung ang mga binibiktima niya ngayon, eh, mga nakakatrabaho niya sa teleserye!”

Da who ang matinggerang aktres na itey? Isyogo na lang natin siya sa alyas na Sherilyn Valderama.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved