Friday , October 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Maitim na balak ng faney ni malditang aktres kay sexy aktres, naudlot
Maitim na balak ng faney ni malditang aktres kay sexy aktres, naudlot

Maitim na balak ng faney ni malditang aktres kay sexy aktres, naudlot

“NAKU, sinasabi ko na nga ba’t wala talagang binabalak na maganda sa kapwa niya ang isang aktres na ‘yon, maldita talaga siya sa dilang maldita!”

Ito ang nagpupuyos na galit na sey ng fans ng isang sexy actress laban sa malditang aktres na kaaway nito.

Ang kuwento, dapat pala ay magge-guest ng sexy actress sa lingguhang show ng hitad para i-promote ang kanyang bagong teleserye. Pero tila naulinigan ng seksing aktres na may pinaplano pala ang fans ng malditang aktres laban sa kanya.

READ MORE:  Billy, sa P15-M mansion sa QC ititira si Coleen

“Ewan kung may blessing ng TV network ang dapat sana, eh, gagawin ng fans ng malditang aktres doon sa sexy actress. Ang balak kasi ng mga utu-utong fans, eh, isisigaw nila ang pangalan ng idol nila kung daraan sa harap nila ang sexy actress. Eh, knows naman natin na ganoon na lang ang galit ng malditang hitad na aktres doon sa sexy actress dahil pinagdududahan niyang nilalandi nito ang asawa niya! Hmp, buti na lang, kinansel ang guesting ng sexy actress…eh, ‘di naudlot tuloy ang maitim na balak ng mga faney!”

READ MORE:  Turismo at kalusugan, tututukan ni Angara
READ MORE:  Valentine show nina Kuh at Kris, postponed

Da who ang sexy actress at ang hitad na kaaway nitey? Itago na lang natin sila sa alyas na Rhea Torrejon at Margaret Vera.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved