Sunday , June 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Vice wish ang cosmetic line, hindi ang maging endorser lang

Vice wish ang cosmetic line, hindi ang maging endorser lang

PINAG-ISIPAN talaga ang launching ng Vice Cosmetics dahil ginawa ito sa pamamagitan ng concert sa Smart Araneta Coliseum na may titulong Vice Ganda 4 All  nitong Linggo.

May kasamang VIP tickets ang lahat ng bumili ng Vice Cosmetics na nagkakahalaga ng 5,000 Phenomenal VVIP box at 3,800 Unkabogable VIP box.

At halos mapuno ang Smart Coliseum dahil nakita naming maraming bumili ng kahon-kahon ang mga lalaking kasama ang kanilang girlfriends na siguro’y regalo nila at ‘yung iba ay magkakaibigang babae na curious siguro sa Vice Cosmetics.

Nakatutuwa ang mga pangalan ng bawat lipstick bullet na mismong si Vice ang nagbigay ng pangalan depende sa kulay tulad ng Tarush,

Kering-keri, Good Vibes, Kavogue, Aura, Hayabayabayu, Ganderz, at Pag Ganern.

At para naman sa Lipliner/liquid ay pinangalanan ni Vice ng Girly, Unicorn, Phenom, Showtime, Star, Pony, Whoops Kiri, at Benjamin.

“Ewan ko kung paano ibinase ni Vice ang mga pangalan, siguro feel lang niya, eh, cute naman, ‘di ba?” say ni Kate Valenzuela sa amin na isa sa kasosyo at namamahala ng Vice Cosmetics ng TV host/actor/performer.

Nagsimula ang Vice Cosmetics noong planong kuning endorser si Vice ng isa sa partners nila na may cosmetic line na mabibili sa Walmart, Costco, Target na mayroong mga sangay sa ibang bansa pero hindi umayon ang Unkabogable Star.

“Ayaw ni Vice maging endorser lang, gusto niyang magkaroon ng cosmetic line, so hayan kaya nagkaroon na ng lipstick muna this year.

Early next year 2018, isusunod na ang sa eyes (eye make-up, eye liner etc), powder/foundation.

“Si Vice mismo ang nagpababa ng presyo para maski estudyante kayang bilhin, dati kasi ang presyo ng bullet, nasa SRP 200 plus or almost 300, pero sabi ni Vice gawing P195 lang. Tapos ‘yung lipliner at liquid ay P295,” tinig ni Kate sa kabilang linya.

May mga personal staff din si Vice na kasosyo niya, “tulad niyong make-up artist niya, ‘yung tagagawa ng wig niya, lahat ‘yun kasi gusto niya may negosyo rin pagdating ng araw na wala na siya. Eventually magkakaroon na rin kami ng Wig since gumagamit naman siya niyon.”

Base sa narinig naming feedback sa mga bumili ay gandang-ganda sila sa mga pangalan at pati packaging ay sosyal at mamahalin ang tipo at higit sa lahat, ang lipsticks ay puwede sa maputi at morena hindi katulad ng ibang mamahaling brand na may binabagayan kaya pala ang hashtag ni Vice ay ‘Ganda for All.’

Negosyante talaga si Vice dahil bukod sa Resto-Bar at pagiging movie at concert producer ay pinasok na niya ang cosmetic business, ano kaya ang susunod?

Anyway, ang mga kasosyo ni Vice ay sina Macky and Ana Samaco, Au Mauricio, Rhoda Aldenese, Jon Lim, Cathy Lao, Kate Valenzuela, Ruben Rodriguez, at Arsenio Valencia.

Nabanggit din na magkakaroon din ng Vice Cosmetics sa ibang bansa dahil ang isa sa partners ay may luxury line na nagdadala rin ng branded products dito sa Pilipinas.

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved