Sunday , July 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kisses, ginawang inspirasyon ang mga basher
Kisses, ginawang inspirasyon ang mga basher

Kisses, ginawang inspirasyon ang mga basher

ISA si Kisses Delavin sa endorser ng bagong negosyo ni Vice Ganda, ang Vice Cosmetics. Kaya naman noong Linggo, isa si Kisses sa mga napanood sa Vice Ganda For All Concert: Ganda For All sa Araneta Coliseum.

Sinuportahan si Kisses ng kanyang fans na talaga namang nasiyahan sa performance na inihanda ng batang aktres.

At tulad ng sinasabi ni Vice ukol sa kanyang negosyo, na gusto niyang ibahagi sa lahat ang mataas na kalidad ng kanyang mga lipstick at nais niyang maging maganda ang lahat, iyon din ang pakay ni Kisses.

Aniya, ‘Ganda comes from the heart’ bago siya kumanta at sumayaw sa concert noong Linggo.

At pagkatapos ng kanyang performance, isang mensahe ang ipinaabot niya sa pamamagitan ng kanyang Instagram account. Narito ang mensahe niya na bukod sa video ay may caption iyong, “Late night thought. About time to say this. Don’t lose your inspiration. Don’t lose yourself for the world. Virtual hug from me toyou. Good night.”

Ito naman ang video message niya sa kanyang fans at mga basher, “I just wanna thank everybody who came to the ‘Ganda For All Vice Concert’, it’s my first solo performance in Araneta and, I feel blessed and honored. Thank you po and second to my beloved supporters thank you so much for all the love and support. I love you guys. And to everyone who doubted me also and to everyone who said harsh things about me thank you still. Because of you I am more inspired, because of you I wake up everyday feeling more inspired and challenging myself. And to everyone who feels small, who doesn’t feel beautiful, to everyone who feel less worthy about themselves, gusto kong sabihin sa inyo na this journey is hard, pero remember you are not alone, remember that we cannot control what life throws us. Pero we can control how we react to them and I hope you find the courage to fight. I hope you can find the courage to use your pain to succeed. Always remember to love yourself, God loves you and God believes in you.”

FIGHT SCENE
NINA COCO AT JAKE,
KOMPLIKADO,
KALIDAD ANG HANAP

PAREHONG magaling na actor sina Coco Martin at Jake Cuenca kaya naman asahan na natin ang mga de-kalidad na acting ang mapapanood sa kanila sa Ang Panday na handog ng CCM Productions at entry sa Metro Manila Film Festival.

Ayon kay Jake, bukod sa matinding acting, modernong istorya, matindi rin ang aksiyon sa Ang Panday lalo na ang fight scene nila ni Coco bilang sina Flavio at Lizardo.

May pagka-komplikado rin ang fight scenes ng dalawa dahil ang kalidad ang gustong maabot ni Coco. Kaya umabot sa dalawang araw ang shooting nito.

Puring-puri naman ang lahat kay Jake dahil talaga namang ibang klaseng acting din ang ipinakita ni Jake. Tamang-tama ngang ang actor ang kinuha parang maging Lizardo dahil ito lang talaga ang makapagbibigay ng justice sa karakter nito.

“Intense ang fight scenes, hindi ganoon kadali. Pinaghirapan namin ang fights scenes,” kuwento ni Jake.

Ayon sa kuwento ng production, kada-take ay sinusuring mabuti ni Coco ang bawat anggulo dahil nais ng director/actor na maging sulit at masiyahan ang mga manonood sa December 25.

“’Pag pinanood ng tao ito, makikita nilang ‘wow ibang experience ‘to,’” nasambit ni Jake dahil siya man ay humanga rin sa ganda at husay na ipinakikita ni Coco sa pagdidirehe.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved