Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Biyahe ng MRT pinatigil ng diaper
Biyahe ng MRT pinatigil ng diaper

Biyahe ng MRT pinatigil ng diaper

TUMIGIL ang operasyon ng MRT-3 dahil sa pagsabit ng isang diaper sa kawad ng koryente ng riles nitong umaga ng Lunes.

Dakong 6:00 am nang bawasan ang mga biyahe ng MRT dahil sa diaper na sumabit sa kawad sa pagitan ng mga estasyon ng Ayala at Buendia.

READ MORE:  Bagets itinumba sa computer shop

Tumigil ang mga biyahe sa pagitan ng Taft Avenue at Boni Avenue Station. Bandang 7:30 am nang maibalik sa normal ang operasyon.

READ MORE:  Roxanne Cabañero pinilit sa oral sex ni Vhong Navarro

Hindi pa malinaw kung paano sumabit ang diaper sa kawad.

Muling nagkaroon ng aberya ang MRT dakong 8:00 am dahil sa sirang pintuan ng isang tren.

Nangyari ang insidente sa southbound na linya ng estasyon ng Shaw Boulevard. Bunsod nito, pinababa ang mga pasahero.

READ MORE:  Bagahe ng OFW tinangay ng taxi driver

Agad inalis sa riles ang tren na may sirang pinto upang maibalik sa normal ang operasyon.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved