Wednesday , October 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Congw. Vilma Santos ipinagdadamot ng presidente ng fans club
Congw. Vilma Santos ipinagdadamot  ng presidente ng fans club

Congw. Vilma Santos ipinagdadamot ng presidente ng fans club

MAY pa-tribute ang “Magandang Buhay” kay Congw. Vilma Santos na malapit nang mag-celebrate ng kanyang birthday this November 3.

Aba, sa kabila ng masayang taping ng guesting ni Ate Vi ay may isang fans club ang nagtatampo kay Mr. Jojo Lim, na presidente ng Vilma Santos Solid International (VSSI) at Willie Fernandez na isa sa opisyal ng nasabing fans club.

READ MORE:  Sam at Jasmine, nagkabalikan na nga ba?

At ang tinutukoy nating grupo ng mga tagahanga ng Star for All Seasons, ang bagong tatag na SilVi, na ang isa sa officers ay si Malabon Kagawad Eirol Simon. Kuwento ni Kagawad Eirol, nag-text siyang pareho kina Ate Vi at Jojo para humingi ng blessing sa pagpunta sana ng SilVi fans sa taping ng Magandang Buhay, pero dumating na’t lahat-lahat ‘yung schedule ng nasabing taping sa morning show nina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros ay wala silang natanggap na reply.

READ MORE:  Perla, magpapaluha sa Mother and Son

In fairness sa SilVi, mayroon silang magandang nagagawa sa kapwa nila Vilmanians at iba pang mga kababayan sa kanilang isinasagawang regular na outreach program na ang malaking suporta ay nagmumula sa mayamang fan ni Ate Vi sa Los Angeles California na si Wonder Vi Santos o Kuya Ben sa marami.

READ MORE:  Actor, sinuspinde dahil sa kapuputak

Ang tanging layunin ng SilVi, mabigyan ng suporta ang kanilang idol na politician actress, pero ipinagdamot nga raw sa kanila.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved