Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Allen Dizon, kinilala ang husay sa 33rd Warsaw International Film Festival
Allen Dizon, kinilala ang husay sa 33rd Warsaw International Film Festival

Allen Dizon, kinilala ang husay sa 33rd Warsaw International Film Festival

MINSAN pang pinatunayan ng multi-awarded actor na si Allen Dizon ang kanyang galing nang magwagi sila ni Angellie Nicholle Sanoy ng Special Jury award sa ginanap na 33rd Warsaw International Film Festival sa Poland kamakailan para sa pelikulang Bomba.

Ang Warsaw International Film Festival ay kabilang sa itinuturing na A-list international film festival.

Saad ni Allen sa kanyang IG account matapos manalo: “Thank you lord for another blessings…sa aking director Ralston Jover salamat po sa tiwala, my co-actor Angelie Sanoy, congratulations to us, sa aking manager na producer Dennis Evangelista salamat, sa aking pamilya kay MA at mga kapatid ko para sa atin ‘to… at ang aking mga inspirasyon unang-una ang aking asawa na laging nandiyan para sa akin at ang aking mga anak na sina Nella Felixia Lucas and Baby Allene, mahal n mahal ko kayo… to all the jury to the festival thank u … WARSAW Film Festival thank u so much… Para sa mga FILIPINO MABUHAY…. CHEEERRRRRSSSSSSS”

Ayon naman sa manager niyang si Dennis Evangelista na isa rin sa producers ng pelikulang Bomba: “Allen Dizon and Angellie Nicholle Sanoy winning SPECIAL JURY Prize for acting in 33rd WARSAW Film Festival is a big deal for me. Mind you there were 15 international competing films in the main competition with great performances also in their respected films. Saw some of the films like the film in Russia (with strong acting from Russian actor) Iran (with tour de force acting from the Lead Iranian Actress as per our Director she might get special jury for acting), Avant Garde film from Germany (my favorite) shot in Thailand and the film from France “If You Saw His Heart” with popular Chilean actor Gael Garcia Bernal (Yto Mama Tambien). The jury members are mostly from Eastern Europe like Claudia Landberger and Jan Hryniak from Poland; Denis Ivanov from Ukraine; Eran Riklis from Israel and Ivica Zubak from Croatia. My Bomba (The Bomb) actors are considered the Best Actor and Best Actress of this A List Film Festival located in Eastern Europe. Big thanks to my director Ralston Jover for bringing out the best to our actors and for coming up with a powerful film. My co-producers Harlene Tejedor and Ferdy Lapuz. Of course Kate Brios, Ladylyne S. De Guzman-Ilao Baby F. Go and Mayor Enrico A. Roque for supporting my film. My staff and crew. Cheers!!!”

READ MORE:  Andrea, ‘pinag-papraktisan’ nina Zanjoe at Bea
READ MORE:  Justin Hizon, gustong pasukin ang pag-arte

Ang pelikula ay mula sa panulat at direksiyon ng internationally acclaimed director na si Ralston Jover. Ito ay isang social drama ukol sa middle aged disabled man na isang pipi o deaf played by Allen na may madilim na nakalipas at may taboo relationship sa isang 16 years old na teenager na ginagampanan naman ni Angellie Nicholle.

Sa aming panayam kay Allen bago nagtungo sa Poland, inamin niyang kapag may ginagawa siyang pelikula ay hindi niya iniisip ang ukol sa award. “Hindi ko naman iyon iniisip, basta ginagawa ko lang iyong trabaho ko, pinagbubuti ko, at kung manalo ng award ay bonus na iyon,” aniya.

Kapag nasa international filmfest ka ba, kinakabahan ka pa rin? Sagot ni Allen, “Siguro kapag mga award’s night, ako everytime na may awards night, medyo siyempre ay kinakabahan ka, na parang nae-excite ka na hindi mo maintindihan e. Kasi, baka matalo, ganyan, baka…

“Pero ako, lagi akong negative, e. Negative thinker kasi ako e, so kapag naging positive (ang resulta ng award’s night), mas happy ako. Hindi ako laging nag-e- expect, parang nire-reverse pshycology ko… Parang, ‘Huwag kang mag-expect, hindi ka mananalo riyan.’ Para at least kung ano, hindi ako masyadong malulungkot. Pero in reality siyempre ay malulungot ka pa rin,” nakangiting saad ng magaling na aktor.

READ MORE:  Maine, aabangan sa concert ni Alden

Ipinahayag din si Allen na isa ang Bomba sa pinakamahirap at challenging na papel na ginawa niya. “Para sa akin, isa ito sa pinakamahirap at pinaka-challenging, ang hirap kasing maging pipi, wala kang dialogue, e. At mahirap din pag-aralan iyong sign language at kung paano sila gumalaw.”

Ano ang feeling na ikaw ang tinatawag ngayon as the most awarded actor sa iyong henerasyon? Ikaw na kasi yata ang may pinakamaraming awards na aktor? ”Siguro (may pinakaraming acting awards), pero marami rin namang magagaling e, marami rin namang may maraming awards. Siguro lang nagkakataon lang, nata-timing-an lang na maganda ang mga projects, tapos every year may mga lumalabas na magandang palabas.”

Bukod kina Allen at Angellie, kasama rin sa pelikula sina Alan Paule, Sue Prado, Felixia Dizon, Joel Saracho, Tabs Sumulong, Lucas Dizon, Romeo Lindain, at Kate Brios sa espesyal na papel.

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved