Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / GSW, Cavs parehong yumuko
GSW, Cavs parehong yumuko

GSW, Cavs parehong yumuko

SIBAK pareho ang tigasing defending champion Golden State Warriors at last year’s runner-up Cleveland Cavaliers kahapon sa 2017-18 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Umiskor si Nikola Vucevic ng 23 points upang tulungan ang Orlando Magic na tuldukan ang 17-game skid nila sa defending Eastern Conference champions Cavaliers, 114-93 habang pinaluhod ng Memphis Grizzlies ang Warriors, 111-101.

READ MORE:  Masarap talunin ang Rain or Shine — Romero

Noong November 23, 2012 ang huling panalo ng Magic sa Cleveland.

”This game had lots of positives, one of the most positives we’ve had in a long time,” saad ni Vucevic. ”I’m really happy for this team because we haven’t had success against them for a while.”

READ MORE:  ‘I am the best in the world’ —Mayweather

Umarangkada agad ang Orlando sa simula ng labanan, nakaipon ng 21-point lead sa first at iningatan ito hanggang matapos upang makuha ang panalo at ilista ang 2-1 record.

Nakapagtala agad si basketball superstar LeBron James ng 14 markers para sa Cavs sa first period, may kabuuang 22 puntos output ang four-time MVP.

READ MORE:  Paano kung overweight si Floyd?

Nalasap ng Cleveland ang unang talo sa tatlong laro.

”They came out and gave us one from the beginning of the game and they kept it going,” ani James. ”We were a couple steps behind and they made us pay.”

Samantala, 1-2 ang tangan ng GSW.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

COMMENTS

About Arabela Princess Dawa

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved