Friday , June 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Extras / Bolang nasagip ng Indonesian goalie kapalit ay buhay
Bolang nasagip  ng Indonesian goalie  kapalit ay buhay

Bolang nasagip ng Indonesian goalie kapalit ay buhay

MASASABING ito na ang kauna-unahang football fatality na isang goalkeeper ang namatay matapos makipagbanggaan sa isa sa kanyang teammate at isang miyembro ng kanilang kalabang koponan.

Namatay ang Indonesia goalie na si Choirul Huda, 38, para sa Indonesian club na Persela FC kasunod ng ‘collision’ sa kanyang teammate at opponent sa Indonesian first-division match nila laban sa Semen Padang.

Matapos ang aksidente, agad sinugod si Huda sa kalapit na ospital sakay ng isang ambulansiya ngunit nasawi rin habang nilalapatan ng emergency treatment ng mga doktor.

Ayon sa pahayag ng isa sa mga attending physician sa website ng Persela FC, lumilitaw sa inisyal na analysis ng kondisyon ng goalkeeper na may posibilidad na napinsala ng severe head at neck trauma si Huda.

Sa kabila ng fatal injury ng Indonesian goalie, nagtuloy ang sagupaan ng Persela FC at Semen Padang, na napanalunan ng koponan ni Huda sa iskor na 2-0.

Agarang nagsipagtungo ang teammates at kalabang player sa ospital para alamin ang kondisyon ng goalkeeper matapos ang kanilang match ngunit ipinaalam sa kanilang pumanaw si Huda sa kabila ng lahat ng pagtatangkang sagipin siya ng mga doktor.

Mahigit 18 taong naglaro si Huda para sa Persela FC at binansagan siyang ‘Legend of Persela’ bilang tribute sa kanyang mahusay na paglalaro sa ilang mga post sa social media.

ni Tracy Cabrera

COMMENTS

About Tracy Cabrera

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved