Tuesday , November 21 2017
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Drs. Drip, nagdiwang ng ikaapat na anibersaryo
Drs. Drip, nagdiwang ng ikaapat na anibersaryo

Drs. Drip, nagdiwang ng ikaapat na anibersaryo

NAGDIWANG ng kanilang ikaapat na anibersaryo ang Drs. Drip Lounge and Infusion Bar na dinaluhan ng kanilang mga Ambassador na sina Ryza Cenon,Nina Taduran, Congrats, Nicole Hyala, at mga PBA player.

Kasabay nito ang pagpapakilala ng improved version ng popular Cinderella Drip, ang Royale Cinderella Drip na dedicated sa mga client na ang goal ay maka-achieve ng pinkish white glow.

Ayon kay Dr. Manuel Ma, Medical Director/Surgeon, ”We started with simple Glutathione drip theraphy, eto ‘yung kadalasan na uso noon pero ngayon dahil sa progress ng researches natin ay nakakuha tayo ng iba’t  ibang formula na idinagdag namin sa roaster ng aming menu ng drip theraphy.

“So ‘yung pinaka-latest namin ‘yung Cinderalla Drip Theraphy, ‘yung Royale Cinderella Drip, ito ay isang standard, pero dahil mayroon kaming upgraded constant researches, para lang maiba sa standard na ito dinagdagan natin siya ng isang formula ng isang substance, ‘yung booster and stabilizer para kakaiba siya at angat ‘yung effect niya sa iba. So for whitening purposes ito, sa mga gustong magpaputi talaga, ‘yung pinkish glow ito ang ibinibigay natin.

“Pero ‘yung main seller pa rin namin si Platinum Ultra White Drip Theraphy na mataas ang metathione content niya.

“So, maliban sa pagpapaputi for good health din ito, dahil ‘yung ating anti-oxidant, ‘yung glutathione naroon pa rin.

“So kailangang-kailangan natin sa katawan ‘to lalo na kung ang lifestyle natin ay ‘di maganda, naninigarilyo, umiinom ng alak, puyat ka, pang detox siya, very good anti-oxidant, ‘yan ang ating drip.

“For example galing ka sa long weeks work pumunta ka rito ie-energize natin ikaw habang natutulog ka nagre-relax ka mayroong energy boost na treatment, mayroon din para sa may mga sakit in fact may mga fertility workout na pumupunta rin dito, ‘yung ‘di makaanak, tapos ‘yung may mga may cancer kailangang-kailangan nila ang gamot to back up their immune system may anti-property ang Glutathione at saka ‘yung ibinibigay natin na high dose ‘yung vitamins C, tapos ‘pag nanghina sila mayroon din tayong V Complex na ibinibigay.

“Pero may iba tayong services like facial skin treatment, ang pinaka- latest namin ‘yung 3D Maxi Lift na without surgery lalo na kapag hindi ka pa candidate, kunwari bata ka pa mag-start na mag-sag ‘yung face mo itong machine na ito para riyan,‘yung mismong pagkatapos ng treatment na ito eh mayroong pagbabago.

“Pero in three months time, progressive pa rin ang makikita sa ‘yo, ninipis ang mukha mo magta-tighten ‘yung skin mo, makikita mo banat ‘yung skin mo, so, ‘pag ginawa natin ito, puwede ka ng hindi mag-under the knife surgery, so ito ‘yung ini-introduced natin ngayon, kaya marami na tayong naging client na happy sila. Kasi lalo na ngayon na October na, tamang-tama na pagpasok ng December hinog na ‘yung procedure na ginawa sa iyo, kasi three months na siya.

“Base sa ibang study after six months ‘yung effects pa rin niya, ibig sabihin nagpo-progress pa ‘yung improvement, pero permanent na iyon hindi mo na kailangang ulit-ulitin.”

Ayon nga kay Doc Manuel, tatlo na ang branches ng Drs. Drip Lounge and Infusion Bar sa Marikina, Mandaluyong, at Timog, Quezon City at nagbabalak pa silang magkaroon ng another branch sa South.

Dagdag pa ni Doc Manuel, very affordable ang presyo ng kanilang services na kayang-kaya ng bawat Juan sa bansa.

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com