HUMAHATAW ngayon ang showbiz career ng komedyanteng si Atak Araña. Bukod kasi sa mga regular shows niya sa Kapuso Network, may bagong pelikula rin siya. Plus, ibinalita rin sa amin ni Atak na next month ay lalabas na ang kanyang music video.
“Iyong music video ko, soon ang release… next month, by November out na ang music video ko. Bale ang title nito ay Attack na si Atak. Ito ay composed by Bry Aquino. Novelty song po ito, fastbeat po para masaya at ito ay under ng Viva Records,” saad sa amin ni Atak.
Ibinalita rin niya sa amin ang bago niyang pelikula. Ayon kay Atak, sobrang nakakatawa ang pelikula nila na tinatampukan ni Empoy Marquez at habang ginagawa ito ay sumagi sa isip niya ang namayapang blockbuster director na si Wenn Deramas.
“Ang new movie ko po kuya ay iyong The Barker na pinagbibidahan ni Empoy Marquez at directed by Dennis Padilla. Iyong official trailer nito ay labas na at sobrang masaya itong pelikula namin.
“Bale ang role ko po sa movie, sidekick ako ni Empoy dito. Ang movie namin ay sobrang nakakatawa, parang si Direk Wenn (Deramas) ang style ni direk Dennis (Padilla) sa pagdidirek ng pelikula. Ang saya-saya namin sa set, grabe! Sana maging blockbuster din itong movie namin, tulad ng mga movie ni Direk Wenn.”
Bakit mo nasabing parang si Direk Wenn si Dennis Padilla bilang direktor? ”Kasi si Direk Dennis, ibinabato niya lang sa akin ang lines ko, tapos ang bilis ng shooting namin at masaya talaga. So, parang si direk Wenn din siya, ganoon din kasi si Direk Wenn. Kaya na-miss ko tuloy si Direk Wenn, actually ay miss na miss ko na talaga si Direk Wenn, e,” wika pa ni Atak.
Check Also
Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres
RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …
Xian sa love: painful and a magical feeling
MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …
Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres
PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …
Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin
PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …
Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …