Tuesday , November 21 2017
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Asawa ni Patricia, magaling na Chiropractor 
Asawa ni Patricia, magaling na Chiropractor 

Asawa ni Patricia, magaling na Chiropractor 

ISA sa maituturing na pinaka-indemand na Chiropractor ay ang guwapo at makisig na husband ni Patricia Javier, si Doc Rob Walcher ng Doc Rob Chiropractic Wellness Clinic na may klinika sa 305 Pos Building, Tomas Morato cor Sct. Madrinan Q.C.

Ang clinic hours niya ay tuwing Tuesday and Thursday, 8:00 a.m.to 6:00 p.m./Sat and Sun 8:00 a.m. to 12noon, contact no. 0905 444 8172.

Mostly ng pumupunta sa clinic ni Doc Rob ay mga taga-showbiz mula sa mga artista hanggang sa mga press people kaya naman marami ang nagsasabi na baka pang celebrities lang ang serbisyo ng doktor.

Pero pinabulaanan ito ni Doc Rob na nagsabi na nagkataon lang na maraming artista ang kumukuha ng kanyang serbisyo. Pero bukas naman  ang kanyang clinic sa lahat.

Tsika pa ng mabait na doctor na walang edad ang puwedeng magpa- Chiropractic kahit baby hanggang sa matatanda ay puwede, ‘yun nga lang may limitasyon.

At take note very affordable ang serbisyo ni Doc Rob na kayang-kaya ng kahit ordinaryong tao.

Dagdag pa ni Doc na hindi kailangang may sakit bago magpa-Chiropractic dahil kahit wala kang sakit ay puwede para iwas sakit.

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com