Tuesday , November 21 2017
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Ala-Harvey Weinstein sex scam sa entertainment industry may umamin kaya sa local scene?
Ala-Harvey Weinstein sex scam sa entertainment  industry may umamin kaya sa local scene?

Ala-Harvey Weinstein sex scam sa entertainment industry may umamin kaya sa local scene?

NABULGAR ang sex scam ng Hollywood titan na si Harvey Weinstein sa Estados Unidos.

Malalaking pangalan ang biktima at daan-daang libong dolyares ang ayusan o settlement.

Dito kaya sa Filipinas mayroon kayang umamin este mabulgar na kagaya niyan?!

Mga artista na ‘iniisahan’ ng producer?!

Maraming maingay na bulungan kung sino-sino ‘yang mga ‘mogul’ sa Philippine entertainment industry ang may kostumbreng ‘mamapak’ ng mga batang artista kapalit ng kasikatan — pero hanggang ngayon walang nagbubulgar.

Malamang, isama na nila sa hukay ang lihim na nakaririmarim.

Ang iba naman ipagpapasa-Diyos na lang kung ano man ang kanilang masamang karanasan.

Kaya kung mayroon mang nakaaahong mga batang artista sa kuko ng mga gahaman sa laman, dapat natin silang purihin dahil naitayo nila ang kanilang sarili.

Huwag na tayong magtaka kung bakit may mga artistang kapag nalalaos ay ibang landas ang natatahak.

Sana ay magkaroon ng malakas na actors guild ang entertainment industry upang maprotektahan ang kanilang sarili.

‘Yung mga producer na mahilig mansila ng mga bata, darating din ang paghuhukom sa inyo.

Remember, what goes around, comes around.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D’yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Scroll To Top

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com