Tuesday , November 21 2017
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ivan Padilla, best friend kung ituring si Alessandra
Ivan Padilla, best friend kung ituring si Alessandra

Ivan Padilla, best friend kung ituring si Alessandra

MAGAANG katrabaho si Alessandra De Rossi ayon sa Hollywood actor na si Ivan Padilla sa pagsasama nila sa inaabangang pelikula ng Viva Films, ang 12 na mula sa direksiyon ni Dondon Santos at mapapanood sa mga sinehan nationwide sa November 8.
Ani Ivan, napakahusay na aktres si Alessandra at masayang katrabaho kaya naman ang pagsasama nila sa 12 ay naging dahilan para mas maging close sila at kalaunan ay maging mag-bestfriend.
Si Ivan ay alaga ng mahusay na actress na si Ms Suzette Ranillo at co- manage ng Viva Talent Agency. Bago nagdesisyon na mag-stay sa Pilipinas at subukan ang local showbiz ay marami ng nagawang proyekto sa America si Ivan.
Ilan dito ay ang Dexter at CSI: Miami, CSI : New York, at Closer na pare-parehong naging show niya sa telebisyon sa America. Nakasama rin siya sa pelikulang Here Comes the Boom at ayon dito sampung taon  ang ginugol niya sa pag-aaral umarte sa America.

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com