Sunday , July 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Magandang aktres, ibang klaseng topakin kapag nagseselos
Magandang aktres, ibang klaseng topakin kapag nagseselos

Magandang aktres, ibang klaseng topakin kapag nagseselos

IBANG klase pala kung lukuban ng selos ang isang magandang aktres.
Ang tsika, one time ay magkasama silang nag-date ng karelasyong aktor. Sa kanilang pag-ikot-ikot sa isang mall ay nag-excuse muna saglit ang dyowa para mag-CR.
Nagkataon naman nang pabalik na ang aktor sa lugar na iniwan niya ang karelas-yong aktres ay nakasalubong niya nang ‘di sinasadya ang ex-girlfriend na aktres, kasama ang mudra.
Siyempre, dahil maayos naman ang kanilang paghihiwalay noon ay nagkumustahan ang dating magsing-irog. Maya-maya’y nagpaalam na sila, bumalik din agad ang aktor sa nobyang naghihintay sa kanya.
Masayang ikinuwento ng aktor ang naging chance meeting nila ng kanyang ex-dyowa, pero nakabusangot ito. Mula noon, hanggang sa makasakay sila ng kotse ay deadma lang ang aktres, consistent na sambakol ang fez.
Da who ang topaking aktres kapag nagseselos? Itago na lang natin siya sa alyas na Angela Albarracin.
(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved