Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Seven Sundays ng Star Cinema P10 milyon kinita sa unang araw (Rated PG sa MTRCB at Graded A sa CEB)
Seven Sundays ng Star Cinema P10 milyon kinita sa unang araw (Rated PG sa MTRCB at Graded A sa CEB)

Seven Sundays ng Star Cinema P10 milyon kinita sa unang araw (Rated PG sa MTRCB at Graded A sa CEB)

DINUMOG ng moviegoers ang pelikula ni lady blockbuster director Cathy Garcia-Molina, ang makatotohang kuwento ng bagong family drama movie sa Star Cinema na “Seven Sundays” na tumatalakay sa isyu ng magkakapatid na Bonifacio na ginagampanan nina Aga Muhlach bilang Allan, Bryan (Dingdong Dantes), Cha (Cristine Reyes), at Enrigue Gil bilang bunso sa magkakapatid na si Dex.
Sa katunayan, sa unang araw ng pelikula ay nagrehistro agad ng P10 milyong kita ang pelikulang pinaniniwalang aantig sa damdamin ng bawat pamilya.
Bukod sa isyung magkakapatid ay makikita sa pelikula kung paano nila maibabalik ang kanilang Sunday family get-togethers at gagawin ba nila ito alang-alang sa malapit nang pumanaw na ama na si Allan portrayed by veteran actor Ronaldo Valdez.
At sa sobrang ganda at kalidad ng materyal at bagong atake ng nasabing family drama movie ay nabigyan ito ng mataas na gradong A ng Cinema Evaluation Board(CEB) at Rated PG naman sa Movie Television and Classification Board.
At kung dinumog ng sangkaterbang fans ang red carpet premiere sa SM Megamall Cinema, ay maganda rin ang box office returns nito nang mag-open sa mga sinehan nationwide last October 11.
At sa premiere night ay sinuportahan ang lead cast ng mga mahal nila sa buhay kabilang ang magandang wife ni Aga na si Charlene Gonzales at kambal na sina Atasha at Andres at si Dingdong na kasamang dumating ang actress wife na si Marian Rivera at pretty daughter nilang si Baby Zia.

COMMENTS
READ MORE:  Marian, ipinaubaya na lang ang pussykip treatment kay Ai Ai

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved