Tuesday , February 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Xander Ford, aminado sa kagaspangan ng ugali
Xander Ford, aminado sa kagaspangan ng ugali

Xander Ford, aminado sa kagaspangan ng ugali

“BEHAVED na ako, kasi maayos namang nakipag-usap ang manager (Xander Ford) sa akin kanina,” deklara ng Home Sweetie Home actor na si Ogie Diaz.
Humingi rin ng paumanhin si Xander Ford kay Ogie.
Paliwanag pa ni Xander sa panayam ni Laila Chikadora na nakipag-away ito sa marshall ng ABS-CBN 2.
“Malaki lang po ang boses ko talaga. Siguro po, na-misunderstanding (sic ) lang ako.”
May mensahe rin siya kay Ogie bilang pagpapakumbaba: ”Alam ko may mali naman ako sa mga nagawa ko. Nag-iba lang po ‘yung sitwasyon ko. Nag-a-adjust pa po ako sa mga nangyayari.
“Salamat po kasi bilang magulang, ginagabayan niyo po ang mga katulad kong artista. Sorry kung anuman ‘yung mga nagawa ko po sa inyo. Pangako po, hindi ko na po gagawin ‘yung mga hindi dapat gawin po.”
Talbog! (ROLDAN CASTRO)

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved