PASINTABI sa aming mga mambabasa kung nagkataong kumakain sila sa mga sandaling ito. May kuwento kasing “yucky” sa likod ng paghihiwalay ng isang TV host-actor at ng isang aktres.
Sa loob ng panahong magkarelasyon sila’y dumanas ng matinding diarrhea (LBM) ang aktor. Nagkataong naka-check in sila sa isang hotel.
Siyempre, sa CR na lang ng kanilang tinutuluyang hotel room iraraos ng aktor ang tawag ng kalikasan. Pero huwag daw doon, sey ng aktres. Mangangamoy nga naman kasi ang buong kuwarto lalo’t air con nga naman ‘yon.
Ang gustong mangyari ng nobyang aktres ay bumaba na lang sa ground floor ang dyowa dahil may restroom din naman doon para sa mga hotel guest.
Walang nagawa ang aktor kundi bumaba, at gumamit ng CR sa ground floor hitsurang maraming tao ang nakakakilala sa kanya.
Da who ang malupit na aktres at ang TV host-actor nitong dyowa? Itago na lang natin sila sa alyas na Angeline Lucresia at Louie Mantikilya.
(Ronnie Carrasco III)
Check Also
Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating
MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …
Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki
MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …
Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan
MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …
Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno
MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …
Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby
RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …