Wednesday , February 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Male host, isinusuka ng staff, ‘di kasi marunong makisama
Male host, isinusuka ng staff, ‘di kasi marunong makisama

Male host, isinusuka ng staff, ‘di kasi marunong makisama

LIHIM na imbiyerna pala ang staff ng isang TV program sa male host nito. Pakinggan natin ang sentimyento ng isa sa kanila.
“Matanda na lang kasi siya kaya ayaw ng patulan, pero sumusobra na rin kasi siya. Kami ang nahihirapan na makatrabaho siya!”
Ang siste, sa tuwing nagkakaroon ng palpak sa pagsasahimpapawid ng programa ay laging ibinubunton ng male host ang sisi sa kanila. ”Oo, inaamin namin na sumasablay kami, pero may kasalanan din siya, huwag kami ng kami ang sisihin niya! At saka may nakakalokang ugali pa siya, kapag nasa out of town kami, humihiwalay ‘yan ng lakad. Makikita na lang namin, nagsosolo, nagkakape mag-isa! Maano ba namang yayain niya kami, gasino na lang ‘yung ililibre niyang barya-barya, eh, ang laki-laki ng sahod niya?” Kuripot. Hindi marunong makisama. Ilan lang ito sa angkop na paglalarawan sa male TV host na itago na lang natin sa alyas na Lino di Caprio, no relation to Leonardo!  (Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved