Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aga, gagawa ng sitcom kung si Direk Cathy ang magdidirehe
Aga, gagawa ng sitcom kung si Direk Cathy ang magdidirehe

Aga, gagawa ng sitcom kung si Direk Cathy ang magdidirehe

GANADO na ulit magtraba-ho si Aga Muhlach dahil pagkatapos ng Seven Sundays movie nila nina Dingdong Dantes, Cristine Reyes, Enrique Gil, at Ronaldo Valdez ay humihirit na siya ng teleserye o sitcom.
Sa nakaraang presscon ng Seven Sundays nitong Linggo sa 9501 Restaurant ay binibiro ni Aga sina direk Cathy at Dingdong.
Sabi ng aktor, ”sana nga magka-sitcom kami. Gagawin na yata. Si Direk Cathy magdidirehe kasi gusto niya sitcom. Dong, puwede ka ba? (Mag) Paalam?”
Sumakay naman si Dingdong ng, ”Ikaw na bahala, Kuya.”
Baling ni Aga kay direk Cathy, ”Direk, ngayon na nakasama kita, gagawa ako ng teleserye, ikaw ang direktor. Gusto ko tulad ni Enrique, sa Baguio (Forevermore), para hindi mainit.
Pumayag naman agad ang direktora, ”si Aga Muhlach ‘yan. Oo-oo ako, pero sana umabot siya kasi dalawang taon na lang ako.”
“Kakabalik ko lang after six years, ikaw naman ang aalis. Trabaho muna tayo ng isang teleserye. O kaya isang sitcom,” nakangiting sabi ng aktor.

Natagalang gumawa
ng pelikula dahil
sa pagiging overweight

Anyway, natanong si Aga kung bakit inabot siya ng anim na taon bago muling gumawa ng pelikula.
“It’s my being overweight! I struggled for how many years losing weight dahil nagpahinga talaga ako. Every year na may nag-o-offer sa ‘kin ng love story, parang hindi ko kaya. Hindi ko kaya na lumabas na leading man na ganitong hitsura ko, dahil hindi ko gagawin ‘yun.”
Sa pelikulang Seven Sundays ay kuwento ng magkakapatid na sina Dingdong, Cristine, at Enrique na may kanya-kanyang kuwento sa buhay at si Aga ang panganay sa apat at siya ‘yung medyo napag-iiwanan na dahil sa probinsiya sila nanirahan ng pamilya niya.
Kinailangan nilang magsama-samang magkakapatid dahil dying ang tatay nilang si Ronaldo.
Isa pang dahilan kaya tinanggap ni Aga ay hindi niya kailangang magpa-payat sa ginampanan niyang karakter.
Sabi ng aktor, ”when the script was offered sa akin, sinabi sa akin na ‘you don’t have to lose weight. You’re okay’.
“But if you want to diet along the way, then go ahead, but the character doesn’t ask for that.
“Of course, nag-start naman ako mag-dyeta rin, but ako magda-diet ako if I’m pushed against the wall. If you really watch the movie, makikita mo talaga, maputing buhok, malaki ang tiyan. Parang napag-iwanan talaga.”
Si Donita Rose ang gaganap na asawa ni Aga sa Seven Sundays na mataba rin.
“Si Donita was pregnant, buntis siya sa pelikula. May tatlo na kaming anak at pang-apat na ‘yan. I gave up everything just to take care of my family and our business,” saad ng aktor.
May maliit na grocery store sina Aga at Donita na pinagkukunan nila ng pang-araw-araw na gastusing pamilya.
Sa kuwento ng Seven Sundays ay dying ang tatay nilang si Ronaldo kaya tinanong si Aga kung may karanasan ba siyang tulad ng karakter nila.
“When my mom died in 2008, namatay siya ng cancer, she was 56 years old and (very) young. Ako naman, in real life really, mayroon akong acceptance with death. Death sa akin is parang part of life, when someone goes, it’s their time, I cried but hindi ko dinala, hanggang ngayon hindi ko dala-dala. So mayroon akong ganoon.
“Basta sa sarili ko nakahanda ako na one day, sana mas mahaba para makita ko ‘yung mga anak ko, magsilakihan pa, I know if it’s my time, it comes, ganoon, eh. Ako ‘yung tipong anak na in-denial, alam mo ‘yung ibang (anak) na dalang-dala at magsasabing ‘okay lang ‘yan. Pero masakit din.  Hindi ako nagre-react, eh, walang ganoon,”kuwento ni Aga.
Samantala, mapapanood na ngayong araw ang Seven Sundays na produced ng Starcinema mula sa direksiyon ni Molina at bukod kina Aga, Enrique, Dingdong, Donita Rose, at Cristine ay kasama rin sina Kean Cipriano, Ketchup Eusebio, April Matienzo, Jeffrey Tam, Kyle Echarri, Kin Billote, Angelee Cruz, Gabrie Iribagon, at Alyanna Angeles.

COMMENTS
READ MORE:  Jerico, gustong malinya sa paggawa ng action; Huhusgahan sa Amalanhig

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved