Tuesday , December 12 2017
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Produ ng The Barker nahirapan sa shooting dahil sa rami ng fans ni Empoy
Produ ng The Barker nahirapan sa shooting dahil sa rami ng fans ni Empoy

Produ ng The Barker nahirapan sa shooting dahil sa rami ng fans ni Empoy

DATI nang nagpo-produce ng pelikula si Direk Arlene Dela Cruz kaya hindi na bago ang pagsuporta sa isang kaibigan para makagawa ng pelikula tulad ng The Barker na idinirehe ng kaibigan niyang si Dennis Padilla na handog ng Viva Films at Blank Pages Productions  na mapapanood na sa Oktubre 25.

“This is not the first time that I produce a film for a friend. I did this with Cesar Apolinario,” aniya nang makausap namin sa presscon ng The Barker sa Le Reve. Ang tinutukoy niya ay ang pelikulang Puntod noong 2009. ”Madali akong malambing eh, and they are good friends of mine, so parang ano lang ipinagpatuloy ko lang.”

Iginiit pa ni Direk Arlyn na ipagpapatuloy pa rin niya ang pagdidirehe. ”Oo naman magdidirehe pa rin ako. Tapos na ‘yung ‘Immaculada, Pag-ibig ng Isang Ina’ starring Ara Mina. Ang ruta niyon, ipapasa namin sa isang local film festival, kapag hindi umubra sa isang local film festival, isasama namin sa international film festival. But we also have the commercial release of the film.”

Ukol naman sa pelikulang The Barker, natanong namin si Direk Arlyn kung si Empoy Marquez ba talaga ang nasa isip nila para maging bida sa pelikula?

“Noong nag-uusap pa lang kami, wala pa kaming alam kung sinong artista ang magbibida. Pinag-usapan lang namin sa isang restoran. Hindi ba sa isang restoran may mga papel na ‘yun ang gamit nilang placemat, doon kami nagsulat, kaming tatlo, ako, si Dennis at si Gary. Tapos isip kami ng isip kung sino ang puwede.

“Sabi ko nga kay Dennis, ‘ikaw na lang kaya.’ Eh sabi niya, ‘Hindi ko na time, iba na lang’ pero iginiit ko na mag-cameo siya. At doon na lumabas ang pangalan ni Empoy.”

Sinabi pa ni Direk Arlyn na hindi pa naiso-showing ang tumabong pelikula ni Empoy na Kita Kita nang gawin nila ang The Barker. ”Siguro isusumite pa lang sa MTRCB. Nauna silang nag-shoot, hindi pa kumikita ang ‘Kita Kita’ nagsu-shoot na kami. Kaya nga sabi ko, nakita ko ‘yung transition ni Empoy.

“What I mean by that, ‘yung mga unang three days namin na nagsu-shooting na kami hindi pa siya pinagkakaguluhan ng tao.

“At nang mga sumunod naming shootings days dahil lumabas na ang ‘Kita Kita’, hindi kami makatapos-tapos ng eksena dahil sa pinagkakaguluhan na siya kahit saan.

“Kaya humanap kami ng lugar na hindi siya pagkakaguluhan. May eksena kasi roon na kailangan ng habulan, action eh. Eh pati si Jeric Raval naging hawi boys ni Empoy eh dahil sa sobrang dami ng fans,” kuwento pa ng kaibigan naming director.

At dahil sa naging tagumpay ng Kita Kita, natanong namin si direk kung confident siyang tatabo rin sa takilya ang The Barker.

“Nananalangin ako na maging okey siya sa takilya para magtuloy-tuloy ang venture ng Blank Pages sa commercial films.”

Ang The Barker ay isang comedy film na lalong magpapakita sa galing ni Empoy sa pagkokomedya. Ito’y walang katapusang saya at entertainment na tiyak kikiliti sa mga manonood.

Kasama ni Empoy sa The Barker si Shy Carlos at si Dennis Padilla naman ang nagdirehe. Ito’y mapapanood na sa Oct. 25 handog ng Viva Films at Blank Pages Productions.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio



COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com